Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
FIRST time gaganapin sa Pilipinas ang sikat na Waterbomb Festival na nagmula at unang nakilala sa South Korea noong 2015.
Mistula itong isang malaking concert kung saan mga sikat na Korean artists ang nagpe-perform, pero ang kaibahan ay nagbabasaan ang mga performers at audience gamit ang water cannons at water guns.
Bukod sa South Korea, taun-taon ay iniikot ito sa iba-ibang bansa sa buong mundo at this year, for the first time ay dito sa Pilipinas ito gaganapin, sa Quirino Grandstand sa Rizal Park ngayong Sabado at Linggo, February 22 at 23.
At bongga ang mga artists ng AQ Prime Music na sina Zela at ang boy group na Bilib dahil napili sila na mag-participate sa Waterbomb Festival kasama ang iba pang mga sikat na music artists sa buong mundo, partikular na sa Asia.
Ang mga miyembro ng Bilib ay sina Yukito Kanai, Clyde Ballo, Zio dela Paz, Rafael Mumar, RC Coronel, Jmac Sangil at Carlo Samson.
May “K” o karapatan naman ang Bilib na isalang sa isang international musical event dahil marami na silang achievements sa larangan ng musika, isa na rito ay ang pagwawagi nila sa 16th PMPC Star Awards for Music nitong Oktubre 2024 bilang New Male Group Artist of the Year para sa kanta nilang Kabanata.
Ang kanilang talent management na AQ Prime Music ang siyang nag-ayos ng lahat para mapasama ang Bilib at si Zela sa Waterbomb Festival kaya labis ang pasasalamat nila sa kanilang talent management.
Isa pang Filipino artist, si Thea Astley ng Sparkle GMA Artist Center, ay masuwerteng napili para maging performer din sa Waterbomb.
Kasama naman sa mga popular na foreign acts sa Sabado at Linggo sa Waterbomb Festival ay sina Dynamicduo, Epik High, Kim Jong-kook, Chanyeol ng EXO, Baekho ng NU’ESTHwasa, B.I, Kwon Eun-bi, Lee Chae-yeon, STAYC, Roots, ZB & ATION, J.E.B, IMLAY, APRO, Raiden, Kang Daniel, Skull & Haha, Jessi, Sunmi, Hyolyn, Gray, Oh My Girl, VIVIZ REDDY, Yang Se-chan, U-kwon, INSIDECORE, SIENA GIRLS, Aster & Neo, 2SPADE, Mar Vista, at Kenet.
***
MAKULAY, may drama, aksyon, horror at komedya ang kuwento ng tunay na buhay ni Sylvia Sanchez, pero hindi siya papayag kung may mag-aalok na isapelikula o ipalabas sa Magpakailanman ang kanyang buhay.
“Huwag, ayoko,” mabilis niyang sagot nang matanong tungkol dito
Lahad pa niya, “Kasi kung gustuhin ko man, maraming masasagasaan, so huwag na lang.
“Saka nakapagpatawad na ako, okay na yun. Okay na yun, masaya na sa akin.
“Walang katapat na halaga yung nakapagpatawad ka.”
May mga taong nakasakit at naka-agrabyado kay Sylvia lalo na noong panahong wala siyang pera, na isang kahig, isang tuka pa lamang bago niya naabot ang kinalalagyan niya ngayon bilang premyadong aktres at producer ng Nathan Studios.
Maganda sanang isama ang mga anggulong ito kung isasapelikula ang buhay niya.
“Huwag na, marami namang masasaktan!
“Kasi kung buhay ko yung ipepelikula ko, no holds barred. “Talagang… e, huwag na, huwag na.
“Actually, matagal na akong kinukuha pero huwag na, huwag na. Kasi may peace of mind na ako.”
Speaking of Nathan Studios, palabas pa rin ngayon sa mga sinehan ang animated film na “Buffalo Kids”.