Advertisers

Advertisers

Vice Mayoral Candidate Mikee Morada Mabango Ang Pangalan Sa Lipa, Batangas; Regal Studio Presents Nominadong “Best Drama Anthology” Sa 38th PMPC Star Awards For TV

0 188

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

FIRST time kong na-meet ang husband ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada sa pa-surprise birthday party ni Alex, sister na si Toni at kanilang Mommy Pinty para sa kanilang Daddy Bonoy (Carlito) held at the Garden Ballroom of Edsa Shang-rila. Well, I find Mikee sweet na medyo shy type at marespeto.

Totoo nga yung komento na maraming netizens na ubod ng bait at selfless itong si Mikee. Kaya tama lang na nasa mundo siya ng pulitika na ilang taon ng konsehal ng Lipa, Batangas at ngayon ay tumatakbong Vice Mayor sa nasabing lalawigan.



Isa si Mikee sa dumalo sa Inauguration ng Bypass Road from Manila to Batangas last February 13. Kasama niya sa event na ito na kasabay ng Barako Fest 2025 ang kapartido niyang pamilya Recto na mag-mommy na sina Vilma Santos at Luis Manzano na tandem sa pagtakbong Governor at Vice Gov. Also ang bunso ni Ate Vi na si Ryan Christian na kandidato namang Congressman. At dito ay nainterbiyu namin si Mikee kasama ng aming co-entertainment columnist and editors. Natanong yung pagiging positibo niya sa mga netizen, na sana makatagpo sila ng isang Mikee sa buhay nila.

Sobra kasing napahanga sila kay Mikee sa tatlong beses nitong pagtanggap at labis na pang-unawa sa misis na si Alex sa miscarriages nito. Na ngayon ay isinu-surrender na nila ni Alex kay Lord kung mabibiyayaan sila ng anak. Well, ayon kay Mikee ay nakatataba ng puso at nakaka-humble ang komento sa kanya ng ibang tao, at iniaalay niya sa Itaas ang lahat ng mga papuring ito.

Since pasukin pala ni Mikee ang politics ay nasa ticket na siya ni Ate Vi, at puring-puri niya ang Star for All Seasons sa magandang nagawa nito sa bayan ng Lipa. Ipinagmamalaki niya ang nakita niyang malaking pagbabago at pag-unlad sa ilalim nag mga terminong ito. Well, tulad ng Vi & Lucky Tandem sa Lipa ay mabangong-mabango rin ang pangalan ni Mikee sa bayang ito dahil sa malinis at maayos na pagseserbisyo bilang konsehal sa mga constituents.

Tawag nga sa kanya ngayon ng marami ay Bise Mayor, kahit sa Mayo pa ang 2025 midterm election. Love na Love rin ng kanyang mother and father in law na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy si Mikee also couple Toni and Direk Paul. By the way, last February 15 ay isa pala si Alex sa nag-perform sa Main Concert ng Barako Festival na umabot sa halos kalahating milyong crowd ang nanood kay Alex at co-guests artist nito. Ang bongga!

***



WELL, deserve na mapabilang sa nominasyon sa drama category ng 38th PMPC Star Awards for Television ang REGAL STUDIO PRESENTS ng Regal Entertainment at Regal TV ng mag-mommy na Ma’am Roselle at Sir Keith Monteverde. Yes, maliban sa bongga ang istorya ng bawat episode ng Regal Studio Presents na mapapanood every Sunday at 4:15 PM on GMA 7 ay pasok ito sa 10 Top Ratings Weekend Shows ng Kapuso Network.

Bumibida rito ang mga youngstars ng Sparkle GMA Artists at mga artista ng Regal. Pagdating talaga sa movies at TV shows ay expert ang Regal na hanggang ngayon ay in na in pa rin. Kasi naman kilala ang Regal sa mga magaganda at dekalidad nilang mga proyekto. Good luck sa nominasyon ng Regal Studio Presents na Official Nominee for “BEST DRAMA ANTHOLOGY” this coming 38th Star Awards for TV. Sa February 26 ay showing naman in cinemas nationwide ang 2025 horror movie na “THE CARETAKERS” na may global appeal! Bibida rito ang Mothers of Philippine Horror na si Iza Calzado at Dimples Romana and this is directed by Shugo Praico under Regal Entertainment, Inc and Rein Entertainment.