Advertisers

Advertisers

FORTHWITH

0 108

Advertisers

SA paggayak ng mga tatayong hukom sa paglilitis at pagpapatalsik kay Sara Duterte, magsisilbing “litmus test” o pagsubok sa kanila kung kakatigan nila ang sinumpaang tungkulin. Ang karamihan sa kanila ay mga abogado na sanay humarap sa sala ng hukuman, at alam ang galawan sa labas at loob nito.

Tinapos ng Camara de Representante ang kanilang tungkulin at bumoto sila upang litisin si Sara Duterte ayon sa utos ng Saligang Batas. Ang Senado ang may kapangyarihan na magsagawa ng paglilitis at mga itinalagang hukom ay mangagaling sa kanilang hanay. Sa pananaw ng karamihan na sumasaksi sa pangyayari, batid nila ang maagap ng kilos ng Camara. Parang langit at lupa kung ihahambing ang dalawa.

Tuloy kapuna-puna ang pagkakaiba ng dalawa kapulungan ng Kongreso, sa aming tingin. Iyong isa ay maagap, samantala iyong isa ay babagal-bagal at babakla-bakla ang kilos sa impeachment complaint. Diretsuhin ko kayo: mas inaatupag ng mga senador ang kampanya.



Sa pamumuno ng tumatayong senate president na nagawa pang sisihin ang Camara sa pagkaaantala ng pagbuo ng Senadi isang impeachment court. Tila mas mahalaga sa kanya ang pananatili ng maayos na kilay kaysa maayos at matinong impeachment court. Sang-ayon kayi Koko Pimentel, kinakailangan agarang gawin ang paglilitis kay Sara Duterte.

Ito’y bagama’t maraming bagay ang hindi ko gusto kay Koko, tama ang sinabi niya na ito ay batay sa Saligang Batas at hindi na maaaring ipagpaliban ang impeachment. Kaya nagsusumamo ang maliit na peryodistang ito na tuparin ninyo ang sinumpaang tungkulin mo, Tsis. Huwag ka babakla-bakla sa mandato mo!

***

“ANG pinakamalaking challenge natin sa West Philippine Sea ay ang pagkalat ng maling impormasyon,” – ito ang pahayag ng deputy spokesman, National Task Force on the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela. Ayon kay Commodore Tarriela mahirap para sa Bantay Karagatan at Hukbong Katihan na ipagtanggol ang karapatan natin sa sarili nating karagatan kung hiwa-hiwalay ang ating mamamayan at hindi naiintindihan ang kung bakit kailangan nating tindigan ang laban natin sa West Philippine Sea.

Maliwanag sa maliit na kolumnistang ito na ang kalaban natin mul pulahang tsina at mga kasapakat nitong mga taksil ay gumagamit ngayon ng iba’t ibang paraan ng panlilinlang at panlilito sa social media, maging ang panggigipit sa mga tauhan ng BFAR at PCG. Hindi ako natatakot sa pambubully ng pulahang tsino, mas natatakot ang inyong abang lingkod sa panlalansi ng mga taksil gamit ang social media. Nakakatakot dahil lumantad na sila at harapang gumagawa ng pagtataksil.



Natatawa ako dahil duwag ang mga ito at walang tapang na humarap sa kagaganap na Tricom ng Kamara. Natatawa din ako, na kahit pilit nilang binabago ang naratibo, bigo pa rin sila sa pakay nila, bagkus isinisiwalat ang kanilang kataksilan at nananatili pa rin silang mga traydor sa mata ng bayan. Wala akong pakiramdam alam kung pro-US o pro-tsina ka; hindi sila pro-Pilipino at ang kapakanan ng bansang kinakatigan nila ang nangunguna? Kaya pro-gago sila.

***

MAY napupuna ako sa mga tumatakbong kandidato sa susunod na halalan sa Mayo. Pangunahin sa kanila ang nangangako. Marami sila at kapag nangako, wagas sa diwa at patong-patong. Ang isa ay hindi marunong mangako. Madalang sila sa bilang, ngunit mapanganib din kapag naluklok.

Ang halimbawa ng unang uring kandidato ay mga tulad ng mga nagmamakaawa, nagsusumamo na kapag hinalal sila gagawin nilang mas maayos ang kalagayan ng lahat. Nagparang putang nangangako sa isang birhen. Samantala, ang isang uri ay nakapaskil ang mukha na kung saang dako mapatingin. Sila ang walang sinasabi ngunit sa lalim ng baul sky’s the limit sa gastos sa kampanya.

Good luck na lang kung paano ito makabawi. At kapag tinanong kung saan ang kinakatigang katapatan sa Bayan o banyaga? Mananatiling tahimik, ‘sing tahimik ng larawan sa polyeto. Sila ang halimbawa ng kandidato na hindi dapat iboto, at hindi ako magsasawang sabihan kayo.

***

Wika Alamin:

(Nenok sa isang matiyaga at matimpiing nilalang na itatago natin sa pangalang Philip Lustre Jr):

BUROT- Sa salitang Pampango ito ay isang matandang (lalake o babae) na masungit at laging galit. Kapag ginamit mo sa salita: “Hindi mainam ang mag astang isang BUROT dahil mawawalan ka ng kaibigan.”

***

mackoyv@gmail.com