Advertisers

Advertisers

Utos ni PMGen. Nicolas Torre III, deadma lang sa mga Provincial Directors?

0 138

Advertisers

Nagbaba ng kautusan si CIDG chief, PMGen. Nicolas Torre III, na No Take Policy ang buong tanggapan ng CIDG, ayon na rin umano sa utos ni chief PNP PGen. Rommel Marbil.

Napakagandang utos kung pag-uusapan ay ang katakut- takot na intelihensiyang mula sa mga 1602 o illegal gambling na ibinabato sa kanilang hanay.

Paglilinis ika nga sa hanay ng kapulisan para dun sa mga makakapal ang mukhang opisyal na tumatanggap ng payola at nagpo-protekta sa mga ilegalista.



Isa sa mga nasampolang hulihan na makakapal ang mukha este na mga hindi sumunod sa pinag utos ni Gen. Torre ay ang probinsya ng Bulacan.

Masyado nang maingay at garapalan pagdating sa usaping intelihensiya ang probinsyang ito, na pinamumunuan ng isang Ricky na nagpapakilalang kolektor ni PD na si PCol. Satur Ediong na patuloy na kumulekta sa mga ilegalista, kahit na may ganitong mandato mula sa itaas.

Ricky din ang bagman na ibinibida ng sikat na si Jojo alyas Phyton na nagpakilalang kolektor ng probinsya naman ng Tarlac.

Sentralisado daw umano ang bigay nya mula sa mga illegal vices na weekly payola para kay PD PCol. Miguel Guzman.

Ayos din sa titibay ng mukha ang mga kolektor ng mga PDs natin sa Region 3.



Humabol pa itong si Oscar o alyas OCA naman na kolektor din ng probinsya ng Zambales na walang hinto din ang pangongolekta ng payola para sa kanya umanong amo na si PD PCol. Benjamin Ariola.

Ganitong mga pamamalakad sa probinsiya ang dapat talagang sampolan ni Regional Director PBGen. Jean Fajardo ang kanyang mga provincial officers na under her command, dapat managot kung mapatunayang may kinalaman nga ang kanyang mga PDs sa pangongolekta ng payola.

Purihin naman natin ang mga Provincial Directors ng Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, at Aurora na nakinig sa utos na No Take Policy.

Dapat din malaman ng mga mamamayan ng Region 3 ang aksyong gagawin ni RD Gen. Fajardo or aksyon mismo ni CIDG chief Gen. Torre.

Kung dapat bang palitan sila sa kanilang posisyon o patawan ng disciplinary actions na gagawin sa nga mapapatunayang sumuway sa mandato.

Sandali lang naman malaman yan eh, kapag hindi hinuli ang 3 kupal na kolektor na sina Ricky, Phyton at Oca na hindi sumunod sa No Take Policy ni Gen. Torre.

Alam na this!

Sayang ang magandang hangarin ng mamang heneral na No Take Policy pagdating sa mga ilegalista at illegal vices.

Kung mas makakapal este matitibay pa ang utos ng mga kolektor ng mga PDs sa mga opisyal sa taas?

Hindi po ba PBGen. Jean Fajardo ma’am?

Linisin ang ilegal, ipatupad ang No Take Policy!

Pero teka muna, baka nakakalimot tayo,hindi pa si General Diwata este Gen Torre ang chief PNP para yukuan at sundin ng mas ilan pang nakakataas na heneral sa PNP.

Si General Rommel Francisco MARBIL pa rin ang hepe ng pambansang kapulisan in case nakakalimot ang marami.

Sa hierarchy ng PNP, pang anim o pangpito lang si General Diwata,marami pa siyang heneral na TILA tinatapakan o naoopende.

Karamihan dito senior sa kanya o mistah or classmates ni MARBIL.

Di kaya offending para kay MARBIL at sa kanyang directorial staff na mag- isyu itong si Gen.Diwata este Torre ng ganito ka-kontrobersiyal na NO TAKE POLICY?

Para kasing sobrang “adelentado” nitong si Torre to issue such a sweeping & controversial order or policy.

Kung baga,nauna kay Torre ang kalesa kesa sa kabayo!

Masyadong atat at nagmamadali kaya ngayon palang ” feeling” chief PNP na!

Hinay- hinay lang!

Wag munang magbilang ng sisiw habang di pa napipisa ang mga itlog!

Baka mabugok nang katulad mo!

Hehehe!!!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com