Advertisers

Advertisers

SEN. IMEE MARCOS, PINUNA ANG DI PAREHAS NA “MINIMUM WAGE” NG METRO AT PROBINSYA!

0 16

Advertisers

HINDI umano patas at makatarungan ang agwat ng sahod na umiiral sa probinsya kumpara sa minimum wage sa metro manila.

Ito ang naibulalas ng re-electionist Senadora Marcos sa kanyang pagbisita sa lungsod ng Antipolo.

Partikular na tinukoy nito ang umiiral na presyo ng mga pangunahing bilihin na aniya’y kadalasan mas mahal pa sa probinsya kesa sa Metro Manila.



“I find it rather a must for me to address this concern… nakakalungkot na mas mababa ang pinaiiral na minimum wage sa mga probinsya gayung kung tutuusin, hindi nalalayo ang presyo ng bilihin — minsan nga mas mahal pa sa labas ng Metro Manila,” wika ng senador.

Tulad na lamang anya ng gasolina at krudo, mas mahal sa mga probinsya, mga delata, gatas, gamot at iba pang basic commodities… kaya lalong mahirap para sa mga manggagawa pagkasyahin ang kakarampot na kita.

Sa datos ng senador, nasa P640 kada araw ang umiiral na minimum wage sa Metro Manila, habang nasa P410 hanggang P440 kada araw naman ang arawang ganansya ng mga manggagawa sa Rizal.

“Ngayon ang agwat ng minimum wage sa Metro Manila at Rizal P200 kada araw. Kasi P640 na sa Maynila, samantalang P440 lamang sa probinsya. Kaya nais ko maging pantay yan.”

Bukod aniya sa pantay na antas ng minimum wage, nanawagan rin si Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tukuyin ang tunay na maralita sa mga programang ayuda ng pamahalaan.



Dapat rin aniyang ipagbawal sa hanay ng mga politiko ang pakikialam sa proseso ng pagtukoy ng mga benepisyaryo.

“Mas maigi kung ibigay na lang ang ayuda sa talagang nangangailangan. Panawagan ko nga, sabi nila, aabot sa P300 billion ang mga pamigay at ayuda, AICS, TUPAD, AKAO. Pwede ba ilista na lang mga pinakamahirap sa atin at magkaroon ng pangkalahatang sahod sa mahihirap yung universal wage. Yung mga nahuhulog sa poverty line,” mungkahi pa ng senador na kapatid ng Pangulo ng bansa.

Sa aspeto ng kalusugan, tiniyak ng reelectionist senator na isusulong ang pagtatayo ng mga regional lung at kidney centers para hindi na gumastos sa pagluwas papunta sa Maynila ang mga pasyente mula sa malalayong lalawigan.