Iba pang uri ng korapsyon, isiniwalat ng Pasig City Philanthropist Couple Curlee at Ate Sarah Discaya!
Advertisers
Panggising sa mga kulang sa kaalaman na Pasigueno at hindi lang sa Siyudad ng Pasig kundi sa buong Bansa ang isiniwalat ng philanthropist Couple Kuya Curlee at Ate Sarah Discaya hinggil sa iba pang uri ng korapsiyon partikular sa hanay ng Lokal na Pamahalaan.
Ayon sa Discaya couple matapos na ganapin ang isang Libreng Medical Mission na walang saysay ang mga kampanya laban sa katiwalian kung walang maayos na sistema para labanan ito.
Binigyang diin ng couple partikular si Ate Sarah Discaya na tumatakbong Alkalde ng Pasig City na palagian na lamang napapakinggan na sinisigaw ang laban para sa katiwalian subalit ang tutuo ay wala pang malinaw at konkretong mga hakbangin upang tuluyan na itong maalis.
“Sa digitalisasyon, mapapababa natin ang katiwalian, kung hindi man ito tuluyang mapuksa. Hindi bababa sa 99% ng katiwaliang pamamaraan ang maaaring mawala sa pamamagitan ng digitalisasyon. Isusulong ni Ate Discaya ang ‘Smart City’ program kung saan ang mga operasyon ng lokal na pamahalaan ay magiging digital,”pahayag ni Curlee Discaya.
Binigyang diin pa na walang Halaga ang Retorika kung saan binatikos din ng mag-asawang Discaya ang kasalukuyang pamunuan ng Pasig sa umano’y walang laman na retorika tungkol sa mabuting pamamahala at laban sa katiwalian, na anila’y paulit-ulit na lamang sa loob ng anim na taon.
“Anim na taon nang nasa posisyon ang kasalukuyang alkalde, ngunit hanggang ngayon, ang mabuting pamamahala pa rin ang kanyang isinusulong bilang pangunahing adhikain. Ibig sabihin, hindi pa rin natutugunan ang katiwalian sa ilalim ng kanyang administrasyon,” ani Curlee.
“Dapat sana’y sa unang termino pa lang niya bilang alkalde, natugunan na ang katiwalian. Ang pokus niya ngayon ay dapat nasa serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan, edukasyon, at kabuhayan. Dahil kung hanggang ngayon ay tungkol pa rin sa katiwalian ang sentro ng kanyang pamamahala, baka mahirap talagang labanan ang sarili kung iyon ang tema,” dagdag pa ng mag-asawa.
Ipinaliwanag din ni Curlee na ang katiwalian ay hindi lang tungkol sa pagnanakaw ng pera kundi pati na rin sa pagkakait ng serbisyong dapat ay natatamasa ng mga tao.
“Ito ay isang garapalang katiwalian. Iniisip natin na tuwing tayo ay nakakatipid ng bilyun-bilyong piso, wala tayong ninanakaw, pero ang totoo, mas malaki pa ang nawawala. Halimbawa, kung nawalan ka ng P65 milyon dahil hindi ginamit ang pondo, iyon ang pinakamasahol,” dagdag na pahayag pa ng Discaya couple.
“If given a chance to serve the Pasigueños, of course, we came from a private company and we don’t have red tape there. I think that’s the difference from other politicians. We don’t know how to make money that way; we make our own money through our projects–through hard work. Maybe that’s what we can bring to the city residents if we are fortunate,” pagtatapos na pahayag ni Pasig City Mayoralty candidate Ate Sara Discaya. (Cesar Barquilla)