Advertisers
Panauhin si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Center (RMSC).
Inaaahang magbibigay ng mga bagong detalye sa mga programa ng ahensya para taong 2025 gayundin sa progreso ng mga sports na nasa pangangasiwa ng dating basketball star at commissioner ng Games and Amusement Board (GAB) sa malayang talakayan ganap na 10:30 ng umaga.
Makakasama ni Gaston sa programa na itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat si Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Executive Director Anthony Reyes para sa mga kaganapan sa swimming community. Ang swimming as isa sa sports na nasa pangangasiwa ni Gaston.
Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa opisyal Facebook page na TOPS Usapang Sports, Bulgar Sports Channel at sa TV 8 ng Pinoy Ako (PIKO).