Advertisers
MULING tumaya at nakiisa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa United Nations (UN) International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (CESCR) sa ginawang 77th Session na pagpupulong nito noong February 18-19, 2025, sa Palais Wilson sa Geneva, Switzerland.
Tiniyak ng NTF-ELCAC ang pangako nitong makikiisa sa UN sa human rights, national security, at sustainable peace, kung saan ang session ay nagbigay din sa Task Force ng venue para maihayag nito ang mga ‘efforts’ para mapanatili ang kalayaan sa bansa.
Ibinahagi ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto C. Torres Jr. sa UN session na iyon ang kanilang pagsisikap sa mga counter terrorist activities habang pinaiiral ang rule of law sa pagbabantay ng karapatang pangtao.
Pinabulaanan din ni Torres na sila ang nagsimulang gumamit ng salitang “red-tagging,” sapagkat walang pulisiya ang Philippine government, na umatake, mangharass, o’ busalan ang mga human rights defenders, environmental activists, lawyers, o’ media professionals.
Umiiral pa rin daw sa bansa ang mga legal remedies, gaya ng ‘writs of amparo’ at habeas data.
Iginiit nila Torres at ng Philippine delegation na ang mga ulat na naguugnay ng mga indibidwal o organisasyon sa mga terrorist activities ay dumadaan sa mahigpit na validation na suportado ng mga testimoniya ng mga dating Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) members na nagsisuko o nahuli.
Patuloy raw ang pagbabantay ng NTF-ELCAC upang protektahan ang human rights at mga komunidad sa impluwensiya ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Iniulat din ng task force ang mga effort ng mga organisasyong dikit sa CPP-NPA-NDF ang oatuloy na pagrerecruit sa mga batang Filipino lalo na sa mga Indigenous Peoples Schools sa Southern Mindanao, upang maging NPA combatants.
Yan ay galing na rin sa mga testimonya ng mga rebeldeng nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Nagpasalamat din ang delegasyon sa patuloy na suporta ng international community at pagkundina nito sa mga paglabag ng CPP-NPA-NDF lalo na sa karapatang pangtao.
Anila ang NTF-ELCAC ay may nakalatag ng National Action Plan for Unity, Peace, and Development (2025-2028), na siyang gagabay para labanan ang rebelyon at kaguluhang dala ng mga komunistang-terorista.