Advertisers
Welcome na welcome para kay Congressman Rolan “CRV” Valeriano ng 2nd district ng Maynila ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na dapat ay rehistrado sa Comelec ang mga survey firms dahil sa naglipanang peke at gawa-gawang survey.
If you really are an honest and legitimate survey organization, you will register voluntarily. In fact, three of these firms already agreed to [register] even if we have not discussed the resolution yet, which means they are willing to [be] regulated,” he added.
Kagaya na lang ng tinatawag niyang ‘Yabang’s Choice’ na aniya ay walang patumangga sa pagpo-post ng mga pekeng survey na ang intensyon ay utuin ang mga financier at botante.
Kaya naman nakakaawa at desperado ang dating ng mga nasabing survey ay dahil sa pagiging “OA’ nito na halos i-zero na ang grupo ng kasalukuyang nakaupong mayor, vice mayor at mga Congressman. Sa sobrang OA ng mga pigura ay nagiging katawa-tawa tuloy at lalong nahahalatang peke ang mga survey dahil di na kapani-paniwala.
Sabi nga ni Congressman Valeriano, “nakaawa talaga ‘tong grupo ng kalaban namin. Nag-post ng pekeng survey sa Distrito Dos. Survey na walang pagkakakilanlan, halatang gawa-gawa lang, at hindi awtorisado ng Comelec.
Tatak na talaga ng “Yabang’s Choice” yan na manloko ng mga tao. Bulok na style na yan. In English, pathetic!”
Para kay Cong. Valeriano, na chairperson ng nangunguna at dominanteng partido sa Maynila na Asenso Manileño at chairperson din ng Committee on Metro-Manila Development at member ng Committee on Good Government and Public Accountability, walang anumang survey ang maaring gumiba, bumura o tumabon sa mahabang rekord ng tunay na public service na nagawa na nina Mayor Honey at grupo nito para sa mga residente ng Maynila.
Sabi pa ni Cong. Valeriano, hindi rin uto-uto ang mga tao sa Tondo at ang hirap daw kasi sa mga kalaban nila, “nagpapakita lang kayo sa aming mga taga-Tondo kapag malapit na eleksyon.”
Sa listahan ng ginawa aniya magbabatay ang mga taga-Gagalangin kung sino ang ihahalal nilang Kinatawan at hindi sa mga pekeng pa-survey na dalawa singko.
Narito ang highlights ng mga nagawa ni Cong. Valeriano para sa Distrito Dos:. Construction ng bagong Police Community Precincts sa buong District 2; Construction ng bagong Super Health Center sa Bo. Obrero at expansion ng Tayabas Health Center; Construction of Universidad de Manila Tondo Campu; Pagpondo sa Construction ng Ospital ng Tondo; Pagpapaayos ng mga barangay hall sa District 2; Pagpapagawa ng Reina Regente Sports Comple; Pagpapagawa ng Patricia Sports Complex; Road and Drainage works sa iba’t -ibang dako ng Tondo; Pagpapagawa ng Basketball Courts at Chapels sa iba’t- ibang parte ng Tondo; Botika sa Dos (Libreng Gamot); Libreng Palibing; Mobile Medical Bus at Scholarship para sa libu-libong kabataan ng Tondo.
Sa larangan naman ng legislation o pagsasagawa ng batas sa Kongreso, hindi bababa sa 40 ang inihain niyang panukala at pitong mga makabuluhang Republic Acts na ang inakda niya ngayong 19th Congress.
Highlights pa lang ang mga ‘yan dahil kulang ang ating espasyo kung lahat ng nagawa ni Cong. Valeriano ay iisa-isahin natin dito.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.