Advertisers
IGINIIT ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na walang kinalaman ang batas ng Pilipinas sa kasalukuyang legal problem na kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Enrile, ang kaso laban kay Duterte ay resulta ng mga batas na ipinatutupad ng International Criminal Court (ICC) at hindi ng mga batas ng bansa.
Kaya naman, sinabi rin ni Enrile na hindi dapat sisihin ang pamahalaan ng Pilipinas sa legal issue na ito ni Duterte.
Binigyang-diin pa ng opisyal na ang pinakamainam na dapat gawin ng mga abugado ng dating pangulo ay kumuha ng kopya ng mga kaso laban sa kanya mula sa ICC.
Ito, ayon kay Enrile, ay makakatulong upang malaman ang dahilan ng utos ng ICC na arestuhin siya.
Dagdag pa ni Enrile, walang kaugnayan ang mga umiiral na batas sa Pilipinas sa isyung ito, na patuloy na nagiging sentro ng pambansa at pandaigdigang diskusyon. (Gilbert Perdez)