Karhryn nagagamit sa eleksyon sa pagkakaugnay sa Lucena mayor; Juday waging best actress sa intl. filmfest
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PAGKATAPOS manalo bilang Best Actress si Judy Ann Santos sa MMFF 2024 para sa pelikulang Espantaho, heto at wagi rin siya bilang Best Actress sa 45th Fantasporto International Film Festival para rin sa nasabing pelikula, na pinagbidahan niya.
Ibinahagi ni Juday sa kanyang Facebook ang paggawad sa kanya ng parangal na ginanap sa Porto, Portugal nitong Marso 8, Sabado.
“I would like to thank the jury, the Fantasporto, for the recognition. It is a great pride and honor that I’m here to represent my country, which is the Philippines,” sabi ni Juday.
Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang Espantaho team at pamilya.
Aniya pa, pinakamagandang souvenir ang trophy ng pagkilala sa kanya.
“Porto is such a beautiful city. I’m just so happy I would bring home the best souvenir. Thank you,” saad pa ni Juday.
***
NALUNGKOT umano ang mga faney ng KathDen sa tsikang huminto na raw sa panliligaw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. Pero hindi naman ito nakumpirma.
Pero ang ikinaloka ng netizens at ng mga KathNiel at KathDen faney ay ang tsikang may relasyon na raw sina Kathryn at Lucena Mayor Mark Alcala.
May mga nagki-claim nga na nakikita nga raw nila si Kathryn sa Lucena at meron pang sinasabing spotted sa isang restaurant si Kath kasama ang naturang mayor.
Pero ni isang larawan ay wala namang maipakita.
At ang tanong ng mga KathNiel at KathDen faney, bakit naman daw si Kathryn pa ang dadayo sa Lucena?
May mga nagdududa naman sa timing ng nasabing tsika, dahil nga mag-i eleksyon. Baka raw nagagamit si Kathryn sa pulitika.
Sey naman ng mga taga Lucena, wala naman daw kalaban si Mayor Mark kaya hindi naman daw nito need na gumimik at manggamit.
Well, sey ng aming source, nanliligaw naman daw talaga si Mayor Mark kay Kathryn, pero hindi pa raw sila mag-jowa ang dalawa gaya nga ng mga lumalabas na balita.