Advertisers
MULI, matagumpay ang pagdaraos ng event para sa MILO MARATHON 2025 sa patuloy na selebrasyon ng 60th year ng MILO na ginanap sa SM MALL of ASIA grounds at dinumog ng runners kasama ang kani-kanilang mga kapamilya at grupo.
Sa aming pagmamasid sa annual coverage, nakamamangha rin namang isipin at pansinin ang interes, tiyaga at dedikasyon ng runners sa taunang event ng MILO MARATHON sa pamamahala ng STRATEGIC EDGE, INC. Sports PR Partners of MILO, patunay ng pagpapahalaga ng mga mananakbo sa adhikain ng MILO na holistic concern at pagsasama-sama ng bawat grupo at pamilya sa health benefits, fun, unity at camaraderie sa pamamagitan ng makabuluhang Sports activity.
Marami rin sa aming mga kapatid sa pamamahayag ang sumasali sa taunang MILO MARATHON dahil na rin sa naka-eenganyong pagsasama-sama sa pagpapalakas at pag-eenjoy sa pagtakbo.
Ngayong taon, mas naging kapansin-pansin sa amin ang pagdami ng mga disabled groups sa takbuhan, katunayan, tampok na interviewees sa aming MEDIA post-race presscon ang mahuhusay na miyembro ng PERSONS With DISABILITY (PWD), mag-aaral ng PHILIPPINE SCHOOL for the DEAF ng Pasay City, sina MHIGZ MEDRANO at ALIYAH REESE FERNANDO, up inspiring students na nagpakita ng individual ability sa takbuhan.
Kung iisipin natin ang proseso ng mga kinauukulan mula sa pagbibigay ng instruction sa PWD’s hanggang sa training at suporta, overwhelming ito kung ikokonsidera ang hirap ng pakikipag-ugnayan sa may kakulangan, pero hayan sila at nagagawang makalinya at makalamang pa sa ibang mga kumpleto o normal. Isa ito sa mga bagay na highly laudable sa mga hakbang at program ng MILO PHILIPPINES.
Napansin din namin ang panimula at pagpapatuloy ng pagsali ng PWD runners sa nagdaang pagkokober ng event pero amusing na makita at maging main interviewees ang top runners nila na nagsimula nang umariba.
Nakabibilib na kahit sign language lang ang gamit sa komunikasyon sa tulong ng interpreter, Teacher KAREN SAMSON, mabilis na sagot at masayang reaksyon ang nakita namin sa PWD champion runners. Ang mas maganda at interesting, sa tanong kung ano pa ang gusto nilang marating o magawa sa susunod, ang sagot : “Gusto naming makasama ang pamilya sa pagtakbo.”
Sa mga susunod na MILO MARATHON events, aabangan ang mas maipagmamalaki pang kakayahan ng PWD runners. Tingnan po natin ang abilidad nilang makalahok sa mga inilalatag ng MILO: 21k, 10k, 5k, 3k, 2k atbp., pang-individual o family. Abangan din po natin ang posibilidad na magkaroon sila ng partida sa national team.
Magandang balita mula sa source naming MILO PR ladies group of Ms JOSIE TAN, ANDREA ALIDO, JINNY, & DYANE na ngayong taon, opisyal nang kasama sa paligsahan ng takbuhan ang PWD runners sa temang ‘SPORTS FOR ALL,!’ Good job po! Kudos MILO @ 60th year! HAPPY READING!