Advertisers

Advertisers

3 PINOY NA ‘TINORTURE’ NG MGA CHINESE SA CAMBODIA, NA-RESCUE AT NAIUWI NG NBI

0 22

Advertisers

TATLONG Pilipino mula sa Cambodia na nakaranas ng pangto-torture sa kamay ng mga Chinese sa loob ng isang scam farm ang ligtas na naiuwi sa bansa matapos na humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation, napag-alaman sa ulat.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, humingi sa kanila ng saklolo ang mga biktima na nagpadala ng video clip.

Sinabi ni Santiago na sila ay ay biktima ng mga scammer kung saan ay inalok sila na mag trabaho sa Thailand para maging call center agents ngunit dinala sila sa Cambodia at naging scammer.



Base sa salaysay ng mga biktima sa NBI, nitong Enero sila na-recruit at naengganyo sa social media dahil sa alok na $1,000 na sahod.Pero nang hindi matupad ang pinangakong trabaho at sweldo, tinangka nilang tumakas pero ginulpi umano sila ng 15 Chinese.

“Nalaman ng mga Chinese bosses ‘yung plano nila na lumipat sa ibang company. Nilabas po sila in the middle of the night,” sabi ni Atty. Yentil Manicad, Special Assistant for Special Concerns ng NBI Office of the Director.

“Sila po ay sinipa, sila po ay nilatigo. Isa po sa ating biktima ay pinaso ng sigarilyo sa kanyang kamay. Imagine niyo naman po na 15 Chinese looking individuals ang nanakit po sa kanila,” dagdag niya.

Ang tatlong Pinoy ay nakatakas sa tulong ng Interpol at ng Cambodian authorities. Sila ay naiuwi ng NBI sa Pilipinas nitong Linggo. Napag-alaman na ilegal silang nakalabas ng bansa base sa imbestigasyon ng Bureau of Immigration.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NBI lalo na’t may 40 Pinoy pa ang naiwan sa naturang scam hub habang sasailalim naman sa counseling ang 3 nasagip na Pinoy na bibigyan din ng tulong ng gobyerno.



Pinayuhan ni Santiago ang ating mga kababayan na huwag maakit sa alok na malaking sweldo at mag-apply lamang ng trabaho sa mga accredited recruiment agencies. (JOJO SADIWA)