Advertisers

Advertisers

Dahil nasa Tate pa si Liza… Enrique ipapareha kay Nadine sa sariling produksyon

0 19

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SERYOSOHAN na nga talaga ang pagpo-produce ni Enrique Gil. Kamakailan lang kasi ay pumirma siya ng multi-picture partnership sa MQuest Ventures ni Manny Pangilinan. Sa pamamagitan iyan ng kanyang sariling production company na Slingshot Studios.

Malaking collaboration daw ito at masaya siya dahil nagustuhan daw ng MQuest ang kaniyang mga konsepto.



Nagbahagi naman ang aktor ng kanya pa ring interes na gumawa ng romantic comedy film.
Sa kaniyang interview sa Kapatid network nang matanong kung posible ba ang pagtatambal nila ni Nadine Lustre ay sinabi niyang narinig nga raw niya ang tungkol sa balitang ito.

Bukas naman daw ang aktor sa ideyang ito hindi lamang kay Nadine maging sa iba pang stars.

Nauna nang napabalita noon na magkakaroon ng reunion movie sina Liza Soberano at Enrique pero sa takbo ng pangyayari ay baka mauna pa ang Enrique- Nadine dahil parehong nasa Pinas lamang sila at si Liza ay abala naman sa paggawa ng proyekto sa ibang bansa kung saan doon na siya nakabase.

***

HINDI raw alam ni Eric Quizon kung ano ang mararamdaman niya sa pagtuntong muli sa Dolphy Theater sa darating na Linggo.



May event kasi siya rito, ang 38th PMPC Star Awards for Television kung saan siya ang direktor.
Maaaring bigla na lamang daw siyang maiyak dahil sa maraming alaalang iiwan nito.

Kasama kasi sa mga gigibain ang iconic Dolphy Theater na ipinangalan sa yumaong ama ni Eric na si Comedy King Dolphy, sa property ng ABS-CBN na naibenta sa Ayala Land, Inc.

Nang malaman nga raw niya ito ay ikinagulat niya. Hindi naman daw nila pag-aari ‘yun pero ibinigay iyon ng Kapamilya network in honor of his father.

Nag-request daw si Direk Erik sa mga bossing ng ABS-CBN kung pwedeng hingin na lang niya ang Dolphy Theater logo sign na may caricature ng Comedy King. Sabi naman daw sa kaniya ni Cory Vidanes ay ibibigay iyon kung hindi gagamitin.

Inalala pa ng direktor ang pagdala sa labi ng ama sa unang araw ng burol nito sa Dolphy Theater bago malagak sa Heritage.

Maraming dekada rin kasi ang ginugol ng karera ni Mang Dolphy sa ABS CBN kaya napakaraming alaala.