PPP suportado ng mangingisda ng Danao Cebu
Advertisers
Inimbita ng Maslog Fisherman Association ng Danao City, Cebu ang grupo ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) party-list nitong umaga, Marso 21, 2025 para malaman ang plano ng PPP sa mga mangingisda ng bansa.
Sa maikling pag-uusap, agad na naibigan ng grupo ng mangingisda sa Danao City ang plataporma ng PPP Party-list sa kanilang nasa hanay ng mararalita at agad ipinangako ang kanilang suporta.
“Ang aming samahan po ay todo susuporta sa PPP Party-list, ito ang matagal na naming iniintay. Totoo at tutok na suporta para sa aming mangingisda tulad ng nararapat nabenepisyo sa amin at aming pamilya,” Noel Morales, president ng Danao Fisherfolks Association ng Danao City.
Ayon kay Harold Duterte, ang PPP ay naglalayon na gumawa ng mga batas na mag-bibigay proteksyon at aruga sa lahat ng mangingisda sa bansa.
Ang PPP Party-list na may numerong 2 ay personal na inendorso ng pamilya Duterte kamakailan sa Davao City dahil sa tiwala ng mga ito sa grupo.
“Wala po tayo na pipiliin na lugar. Panukalang batas para sa bawat mangingisda na m-agbebenipisyo ay kanilang pamilya. Proteksyon na pang kalusugan ay isa sa ating tutukan at nararapat na tulong mula sa gobyerno para sa kanila ay ipupursige ng PPP,” pahayag ng pamangkin ni former President Rodrigo Roa Duterte at 1st nominee ng PPP Party-list.
“Sa wakas, magkakaroon na kami ng tinig sa Kongreso at higit sa lahat, kami ay mabibigyan pansin na at matutukan ng husto ang aming pangagailangan at madidinig ang daing,” dagdag ni Morales.