Advertisers

Advertisers

Gabby ayaw sa politics, mas trip ang tahimik na buhay

0 9

Advertisers

Ni Jimi C. Escala

MAY mga taga showbiz na nagkandarapa sa pulitika at yung ilan sa kanila ay ginamit ang pagiging artista para lang sa ambisyon na maging pulitiko.

Never say die pa ang drama ng ilang taga showbiz. Kumbaga kahit makailang beses na natalo ay hindi mapigilan ang mga ito sa pagtakbo tuwing ekeksiyon.



Pero iba naman ang isang Gabby Concepcion na minsan nang pinangarap ng aktor na pasukin ang mundo ng pulitika.

Matatandaang last 1988 ay kumandidato sa pagka-mayor ng San Juan si Gabby pero hindi pinalad ang aktor.

“Politics was actually a dream once upon a time. Pero hindi ko tinuloy because I didn’t find the urge. Many are still inviting me to run.

“But politics is very sensitive. Mas gusto ko ang tahimik na buhay,” lahad pa ng aktor.

Animnapung taong gulang na ngayon ang aktor. Dagdag pa ng ama ni KC Concepcion na hindi niya kailanman naranasan ang tinatawag na mid-life crisis.



“I want to experience that because I don’t know what that feels. Somebody needs to explain to me what mid-life crisis is in a nutshell. I take things lightly. I always remember what my father told me, ‘Nandiyan ka na lang din, galingan mo na.’ I am not always successful but I try,” paliwanag pa ng actor.

Ayon pa rin kay Gabby, ginagawa raw niya at talagang sinisikap niya ang anumang kaya niyang gawin para kayanin ang lahat ng hamon sa buhay, huh!

“Anything can happen to me. I can talk about all the good things about health but there is always something that can happen, life is short. We need to do the best while we have the time. We don’t have to regret one day and tell ourselves, ‘I should have done this.’ And if you will love somebody, loving is a part of life. We need to feel that. If something happens, that’s all part of the cycle. You have to enjoy the moment. Be happy, always be happy,” seryosong pagkukuwento pa ng nag iisang Gabby Concepcion.

***

MA’AM VIRGIE RODRIGUEZ NG A-TEACHER PARTYLIST BAWAL MAGUTOM ANG PINOY

SPEAKING of politics, puring puri naman kami sa 3rd nominee ng A-Teacher partylist na soon to be congresswoman na si Virginia (Virgie) Rodriguez.

Maam Virgie started out as a news reporter until becoming a philantropist who has several advocacies.

Isa sa adbokasiya niya ay para sa batang kulang sa timbang. Nais niyang magkaroon ng tuloy- tuloy na “feeding program nang walang kabataang Pinoy na magugutom.

Nakausap namin si Cong. Virgie sa Relish Hello Happiness resto sa #70 Sct. Limbaga St., QC.

Ang A-Teacher na first nominee ay si Cong Juliet na nagsulong ng K-12 para maiangat ang antas ng kaalaman ng mga kabataang mag-aaral, huh!
Ang second nominee naman ay si Cong Ed na bihasa sa fishery.

Si Cong. Virgie ay para sa Agriculture na nag aral pa sa abroad para sa sinasabi niyang organic fertilizer na malaki raw ang maitutulong para mapababa ang presyo ng pagkain, huh!

Samantala, dahil sa mga advocacy niya kung kaya isa sa bibigyan ng parangal si Cong. Virgie Rodriguez sa 38th Star Awards.