Advertisers
NAKUPO ni Kenneth “Lover Boy” Llover ang Oriental at Pacific Boxing Federation (OPBF) bantamweight belt matapos umiskor ng mabagsik na first-round knockout win laban sa hometown bet Keita Kurihara sa Korakuen Hall Lunes ng gabi Marso 24.
Ang 22-year-old Llover ay nagpakawala agad ng nakamamatay na suntok na nagpabagsak sa Japanese foe sa canvas ng dalawang beses bago sinundan ng 1-2 combo sapat na para makumbinse ang referee para itigil ang laban.
Dahil sa kanyang panalo. Llover ay nanateling undefeated sa 14 na laban na ang siyam ay tinapos sa knockout.
Kung maalala na ang pride ng Gen.Trias, Cavite ay ginawa ang kanyang international debut sa Sumiyoshi SportsCenter sa Osaka nakaraang Dsiyembre.