Advertisers
TINALO ng defending champion National University ang University of the Philippines, 23-25, 25-14, 25-20, 25-23, Miyerkules sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.
Jade Alex Disquitado umiskor ng 22 points on 21 attacks at one block para sa Bulldogs at manateli sa solo second place at 7-2.
“We just focused on our blocking and passing. We talked among ourselves and reminded each other not to rush the game because when we do, we tend to make more mistakes and errors come out. We just stayed composed,” Wika ni Disquitado, na umiskor ng 20 receptions at six digs sa isang oras at 51-minutong aksyon.
Leo Aringo nagdagdag ng 19 points, habang si Michaelo Buddin may 17 points, 11 receptions at nine digs para sa NU, na nabigo sa De La Salle University, 22-25, 27-25, 21-25, 17-25, Marso 23.
Congolese middle blocker Obed Mukaba bumakas ng 10 points on five attacks, four blocks, at one ace, habang si Peng Taguibolos nagdagdag ng seven points on five attacks, one block, at one ace para sa Bulldogs, na pinaskil ang kanilang 13th straight win laban sa Fighting Maroons noong 2016.
“Based on our performance in past games, we’ve always been playing catch-up in every match. We haven’t had a clean victory yet—my players really have to work hard to establish our game,” Wika ni NU head coach Dante Alinsunurin.
Makakaharap ng NU ang unbeaten Far Eastern University sa Marso 30 sa Smart Araneta Coliseum.
Olayemi Raheem nagtapos ng 26 points on 24 attacks, one block at one ace para sa Fighting Maroons.
Angelo Lipata at Daniel Nicolas nag-ambag ng tig- seven points, Louise Aballe may 17 sets at four points, habang si Nino Bersano may 14 digs at 10 receptions para sa UP, na makakatagpo ang winless UE sa Linggo.