Aga naiyak sa achievements ng kambal na sina Andres at Atasha; Kim suportado ng mga BFF na sina Angelica at Bela ang premier ng pelikula
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAIYAK sa tuwa ang aktor na si Aga Muhlach dahil sa magkasunod na achievements ng kanilang kambal ni Charlene Gonzales na sina Andres at Atasha.
Sa kaniyang Instagram post, hindi nga napigilan ng aktor ang maluha sa award na nakuha ni Andres sa pagkapanalo nito bilang Best New Male TV Personality para sa sitcom na “Pers Family” sa 38th PMPC Star Awards for Television.
Mensahe ni Aga para kay Andres, “Blessings coming your way, son. Keep up the good work. God be with you always. Always remember, His plans not ours. Congratulations!!! Proud of you! Love you, man!”
Sa acceptance speech naman ni Andres, sinabi niya na two years ago ay tumanggap ito ng award sa ngalan ng ina, pero hindi raw sita makapaniwalang tumanggap na siya ngayon ng sarili niyang award.
Hindi rin nakalimutan ni Aga na mag-shout-out para sa isa pang anak na si Atasha dahil bibida na rin ito sa sarili niyang seye, ang Philippine TV adaptation ng 2017 hit Thai series na “Bad Genius.”
Unti-unti ay kumakawala na nga sa anino ng kanilang mga magulang sina Andres at Atasha dahil sa ipinapakita nilang husay sa kanilang larangan. Nasa dugo nga talaga nila ang pagiging artista tulad ng mga magulang.
***
SUCCESSFUL ang red carpet premier ng pelikulang My Love With Make You disappear, na pinagbibidahan ng loveteam nina Kim Chiu at Paulo Avelino na ginanap noong Martes ng gabi sa SM Megamall Cinema 3.
Present ang buong cast na pinangungunahan ng KimPau.
At siyempre, ang ibat’ ibang grupo ng mga fan club nina Kim at Paulo ay nandun din para suportahan ang movie ng kanilang mga idolo.
Grabe ang hiyawan ng mga faney sa mga eksenang halikan ng KimPau. Talagang kilig na kilig sila. Paano naman kasi, grabe ang tukaan ng dalawa. At halatang feel nila ang kanilang kissing scenes.
Lalo pang naghiyawan at kinilig ang mga faney sa lovescene ng KimPau sa nasabing pelikula.
Nakita namin yung ibang mga faney na hinahampas pa ang mga katabi nila sa sobrang kilig.
Present din sa red carpet premier para suportahan si Kim ang mga co-hosts niya sa It’s Showtime, na sina Amy Perez, Lassy Marquez at Ryan Bang.
Ang dalawang best friends ni Kim na sina Angelica Panganiban at Bela Padilla ay namataan din namin doon.
At ang isa pang friend ni Kim, si Maymay Entrata ay nandoon din.
In fairness, nagustuhan namin ang pelikula, nagandahan kami rito. At sa totoo lang,kahit ako ay kinilig sa KimPau, huh?
Showing na ngayon ang My Love Will Make You Disappear. Watch ninyo para malaman ninyo kung bakit ganito ang title ng pelikula na mula sa direksyon ni Chad Vidanes.