Advertisers

Advertisers

TSIS VS BONG GO SA 2028

0 55

Advertisers

HUWAG magkamali, hindi sina Tsis, Bong Go, at Misfit Sara ang mga kakatawan sa lehitimong oposisyon na bansa. Sila ang magsisilbing company union dahil mananatili na naglalaway sa poder ang grupong Davao City sa paligid ng naghaharing koalisyon. Huwag rin magkamali dahil hindi si Misfit Sara ang may malaking tsansa na agawin ang liderato ng bansa. Ganap na pipilayin si Misfit Sara sa nakatakdang impeachment trial sa Hulyo.

Si pagkahaba-haba ng prusisyon, ssis, kasalukuyang pangulo ng Senado, at Bong Go ang mag-aagawan sa maiiwan ang mumo o tira-tira ng sindikatong Davao City. Matutunaw ang grupong Davao pagsapit ng 2028 kahit magpipilit ito na may saysay at kaugnayan sa takbo ng pulitika ng bansa.

Kahit parehong walang karisma at pawang larawan ng trapo, o basahan ng pulitika ng bansa, pipilitin ni Tsis at Bong Go na sungkitin ang suporta ng mga naniniwala sa grupong Davao, o ang mga tinawag na DDS sa social media. Malakig umanong grupo ito upang manalo sa halalan pampanguluhan sa 2028.



Sila ang sektor na madaling mapaniwala o mapainan ng fake news. Sila rin ang sektor na may sariling kakaibang paniniwala sa pulitika ng bansa. Hindi sila makatwiran sa pagtanggap ng katwiran. Madali silang mapaniwala ng mga pulitikong madulas ang dila tulad ni Tsis.

Sa pakiramdam ni Bong Go, siya ang mas may karapatan sa sektor ng DDS dahi matagal siyang alalay ni Gongdi. Siya ang masunurin at matapat na alalay at gagawin ang lahat-lahat at kahit ano para kay Gongdi. Ang problema ni Bong Go ay walang bilib si Misfit Sara sa kanya.Wala kahit katiting na respeto, sa maikli.

Ito ang dahilan kung bakit haharangin niya ang anumang tangka na siya ang gawing kandidato ng sindikatong Davao City sa 2028. Bukod diyan, hindi papayag si Misfit Sara ang isang alalay na maghari-harian sa kanilang political constituency. Mapipilitan siyang pumanig sa ibang magtatangka na kumuha sa constituency na iyon. Isa na diyan si Tsis.

Nakikita namin ang matinding gulo sa pagitan ni Tsis at Bong Go. Masahol sa bunong braso. Masahol pa sa suntukan at saksakan. Wala naman silang pag-aaway kundi ang sektor na tinawag na DDS ng ibang grupong pulitikal.

***



SINO si Tsis at bakit ganito ang kanyang lakas ng loob at tiwala sa sarili? Sa tingin ni Tsis, walang ibang tumulong kay Misfit Sara na panahon ng kagipitan kundi siya. Nang halos itakwil ng lahat si Misfit Sara, tanging si Tsis ang tumulong sa kanya nang hindi niya pinulong ang Senado bilang impeachment court at litisin kaagad si Misfit Sara.Maraming nagulat sa kakatwa at kakaibang paninindigan ni Tsis. Itinaya ang sariling political career para sa kapakanan ni Misfit Sara. Siya lang ang nakagawa ng ganoon.

Sino si Bong Go? Matapat siyang alalay ni Gongdi noong alkalde pa lang ng Davao City. Bitbit ni Gongdi sa pambansa pulitika. Si Bong Go ang gumawa ng marami at maruming trabaho ni Gongdi. Siya ang bagman o pagador ng war on drugs ni Gongdi. Sa kanya nanggaling ang mga ipinambayad sa mga pulis at vigilante na sangkot sa war on drugs.

Walang maituturing na accomplishment si Bong Go sa Senado. Hindi siya magaling sa alinman. Ngunit tapat siya sa agenda ni Gongdi. Walang ibang inusal sa Senado si Bong Go kundi ang interes ni Gongdi. Iyana ng tanging kuwalipikasyon ni Bong Go – ang walang kamatayang katapatan kay Gongdi. Maliban siya, wala na.

Ang pinakamalaking problema ni Bong ay bukod sa walang karisma sa publiko, wala rin siyang maituturing na winning face. Hindi panalo ang pagmumukha niya sa publiko. Larawan lang siya ng matapat na alalay. Maaari siyang mananalo sa halalan sa Mayo ngunit nakikita naming na hindi siya makakaupo dahil sa mga sakdal na ihaharap laban sa kanya. May pananaw na maaari siyang sumunod kay Bato at Oscar Albayalde sa The Hague.

Sino sa kanila ang magwawagi sa posisyon? Hindi namin alam. Pero batid naming na pareho silang walang silbi sa bayan. Kahit magpukpukan sila hanggang sa wakas, walang mapapala ang bayan sa sinuman sa kanila.