Advertisers
HINDI lahat ng oras ay “Never say Die”, lalo na kung determinado ang kalaban na ibaon sila ng buhay.
Kasabay ng pag-agos ng luha ng fanatics ng Ginebra San Miguel nitong Biyernes ng gabi nang sila ay todasin ng TNT Tropang Giga; ay ang pagbuhos ng ulan sa bisinidad ng Araneta na mistulang nakiramay pa sa dusa.
Ayaw biguin ng pinakapopular na koponang Ginebra ang mga pulutong na balangay ng brigadang barangay na kanilang lifeline hanggang sa huling sandali ng buhay kung saan ay itinabla ang laban sabay tunog ng buzzer upang mabuhayan pa ng limang minutong overtime ang laban sa di magkamayaw na sigaw na umalingawngaw mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.
Paano ba tatalunin ang TNT na sa mga sandaling iyon ay mistula silang sinaniban na lalong nag palakas sa kanilang signal para lumaban?
Bawat pukol ng tres eh alang mintes ang mga Gigasintado na sina RR Pogoy, Roy Nambatac, Calvin Oftana at ang sorpresang eksplosibong opensa ni Melvin Khobuntin na na-underestimate ng nagbabagang depensa ng Ginebra.
Todo ang pangangalabaw ni TNT import Rondae Hollis Jefferson na naglalaro na lang sa wido kahit sobrang sakit na ng mga paa nito sa ekstra periodiko.
Tunay namang di basta bumigay sina Gin Kings reinforcement Justin Brownlee katuwang sina Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Stephen Holt, Jamie Malonzo, Ahammishi at Japeth Aguilar, dahil lagi silang dumidikit kapag nagtatangkang lumayo ang Tropang Giga na sobrang suwerte sa bola.
Kung pumasok ang desperadong 4-point shot ni Brownlee sa huling tikada ng OT ay panibagong extension sana pero tunay na para sa TNT ang kampeonato na nagbunyi nang husto habang luhaan ang nasa 80 porsyento ng nasilensiyong crowd sa Big Dome at ililibing na lang sa limot ang kanilang sama ng loob kaya better luck next conference na lang sa bakbakang kaya pa rin namang pagharian ng Gin Kings.
Gayunpaman.ang naturang best-or-seven Commissioner’s Cup finals ay maitatala na sa mga pinaka-epiko at klasikong serye sa kasaysayan ng PBA.
High five sa TNT, hats off at cheer up sa runner-up GINS…bawi na lang next time..ganyan talaga pag natatalo ang GI-NEB-RA!
Congratulation PBA Commissioner Willie Marcial!
Lowcut- Special shoutout sa ating mga ka-uppercut, kaisport , kamanibela at kasuzuki partiku lar ka Ms.Leizl Morada diyan sa SUZUKI Ali Mall ,Araneta Center sa Cubao, Quezon City.
Apply na para sa inyong dream car na top of the line units ng Suzuki kumontak lang sa # 09705078395/09451935742 mga suki or bumisita sa kanilang Suzuki showroon sa Ali Mall-Cubao!Now Na!!