Advertisers
KUMAMADA si Miles Bridges ng 26 points,10 rebounds at eight assists upang tulungan ang Charlotte Hornets na putulin ang five-game skid sa iskor na 110-106 wagi laban sa bisitang Utah Jazz Lunes ng gabi.
Mark Williams nagdagdag ng 18 points at 13 rebounds,habang apat na iba pang players umiskor ng double figures para sa Hornets (19-56).
Patuloy na nalalaglag ang Jazz, nabigo ng anim sunod-sunod na laro at 16th time sa 17 games.
Ang Utah (16-60), ay naabot ang 60-loss mark sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa at nalampasan ang inaugural New Orleans (23-59) squad na pinakamaraming talo.
Keyonte George umiskor ng 20 points para sa Jazz, na may siyam na players sa injured list.
Ang magandang balita sa Utah,binasag ni Isaiah Collier ang franchise rookie assists record ni John Stockton na nagtala ng seven dimes tampok ang 17 points at three steals. ngayon nakatipon siya ng 419 assists.
Kyle Filipowski nagtapos ng 14 points at 13 rebounds para sa kanynag 11th double-double,at Brice Sensabaugh umiskor ng 19 para sa Utah.