Advertisers
Ni Archie Liao
MAKAILANG beses na nagtangkang sumubok sa elective post sa Cebu ang Chinito actor na si Richard Yap.
Gayunpaman, hindi siya pinalad na nagwagi.
Natalo siya noong 2019 at 2022 elections sa pagtakbo niya bilang congressman sa isang distrito sa Cebu.
Sa taong ito, napagdesisyunan niyang lumayo muna sa pulitika.
Sa presscon, natanong namin siya kung bakit naisipan niyang huwag munang kumandidato this year.
“I guess, I’ve learned my lesson. Siguro, nilalayo rin ako ng Diyos kasi I’ve seen politicians turn into different animals. I don’t want to be someone like that,” aniya.
Naurirat din namin siya kung na-realize niya na hindi para sa kanya ang mundo ng pulitika.
“Baka hindi,” pakli niya.
Gayunpaman, hindi raw naman niya tuluyang isinasara ang sarili sa pulitika sa hinaharap.
“Ang sa akin lang kasi if we can do something to help the government, to help the people, why not? Pero if it means, giving up your morals and all that, huwag na lang,” makahulugan niyang pahayag.
Hindi raw naman sa nagso-sour grape siya pero marami raw siyang napagtanto sa kanyang pagkatalo noong mga nakaraang eleksyon and given the political landscape.
“Na-realize ko na… kahit ano ang gawin mo, kahit na anong trabaho ang ipakita mo, the people will only vote for the people with the most money which is something that we should change,” bulalas niya.
Naniniwala rin naman siyang maging ang mga artista ay puwedeng maging epektibong public servants as long na naroon ang puso nilang tumulong.
Pagbabahagi pa niya, maingat din daw siya sa pag-eendorso ng kandidato sa darating na eleksyon.
“Kilala na nila ako. I’m very picky din sa ini-endorse ko. Ang hirap kasing magkamali,” ani Richard. “The only time I endorsed a politician was during the time of Senator Magsaysay. I never asked for anything because I believe in his cause. Pero may times na pinapupunta kami para mag-guest pero di para mag-endorse,” dugtong niya.
Masaya naman si Richard na makasama ang “Abot Kamay ang Pangarap” star na si Allen Dizon sa pelikula.
Aniya, malaon na raw niyang pangarap na makatrabaho ang multi-award winning actor.
“Allen is such a versatile actor. Ang lawak ng range niya and I hope to learn from him,”deklara niya.
Naengganyo rin daw siyang tanggapin ang pelikula dahil sa makabuluhan at napapanahong mensahe nito.
“It showcases our political landscape . You could see a lot of references of what’s happening. Hopefully, it will be able to teach them (the viewers) something. It will show them something na di nila naiisip. It’s also very relevant,” bulalas niya.
Mula sa produksyon ng Bentria Productions ni Engr. Benjamin Austria at Heaven’s Best Productions, tampok sa “Fatherland” sina Allen Dizon, Inigo Pascual, Jeric Gonzales, Cherie Pie Picache, Mercedes Cabral, Arabella Davao, Angel Aquino, Max Eigenmann, Jim Pebanco, Rico Barrera, Abed Green at marami pang iba.
Tungkol ito sa paghahanap ng isang anak sa kanyang ama at kung namulat ang kanyang kamalayan sa pangyayari sa sariling bayan.
Palabas na sa mga piling sinehan simula sa Abril 19, ito ay mula sa panulat ni Roy Iglesias at sa direksyon ni Joel Lamangan.