Advertisers

Advertisers

TINO SANTOS TULOY ANG SERBISYO SA PASAYENOS!

0 20

Advertisers

Bagaman wala na sa posisyon itong si former first district councilor Tino Santos ay patuloy pa rin nitong ipinakikita ang di matatawarang pagmamahal at malasakit nito sa kanyang mga kababayang Pasayenos.

Patuloy ang pagtulong nito sa kanyang mga ka- lungsod gaya ng mga nasunugan na kanyang agarang pinagkakalooban ng pinansiyal na ayuda na kanyang personal na inihahatid sa mga mga nasunugan.

Patuloy din ang pagkakaloob nito ng wheelchairs sa mga nangangailàngan nito gaya ng mga senior citizens,PWDs at biktima ng aksidente at stroke.



Tuloy din ang programa nitong libreng sasakyan sa mga palibing.

Mga tolda, lamesa at silya na libreng pinagagamit sa mga burolan sa lungsod ng Pasay.

Ano pa ba lalo na siguro kung nasa poder pa ito at nasa posisyon.

Kung nagagawang gugulin ni Tino Santos ang pondong mula sa kanyang sariling lukbutan ng walang pag- aalinlangan lalo pa siguro kung sitting councilor pa ang mama.

Daig pa ni Tino Santos ang maraming malatubang konsehal at kapitan ng Pasay sa pagbibigay ng serbisyo sa tao.



Walang kulay pulitiko,dati man nyang supporters o hindi ay kanyang tinutulungan.

Patunay lamang na si citizen Tino, bagamat wala sa posisyon ay patuloy na nagmamalasakit sa kanyang mga constituents.

Kahit di ka taga- district 1,tutulungan ka pa rin ni Konsi Tino.

Walang pag- aatubili itong tumutuling sa lahat.

Kailangan ng ating siyudad ng Pasay ang isang katulad ni Tino Santos,na may mabuting puso at may tunay at wagas na pagmamahal at malasakit sa tao.

Bukod sa pagiging makamasa,iba rin ang sipag at pagiging workaholic nij Boss Tino.

Tapat itong naglilingkod sa tao 24/7 noong nanunungkulan pa itong konsehal ng district 1.

Puro gawa na di gaya ng iba dyan na puro lang porma at nakasandal sa pangalan at apelyido ng kanilang panilya.

Ika nga,desenteng tao at lumalaban ng parehas sa buhay itong si Tino Santos.

Di isang certified sugarol na imbes na atupagin ang kanyang trahaho sa konseho ay sa casino at sabungan nakababad.

Batu- bato sa langit ang tamaan wag ka naman sanang magagalit!

Nagsasabi lamang tayo ng totoo!

Sa darating na halalan ngayong mayo 2025,saan pa tayo?

Sa santo na gumagawa ng milagro o sa demonyong mahilig sa milagro?

Wakasan na ang dinastiya sa lungsod ng Pasay!

Ibasura na ang mga inutil at istambay sa konseho na walang silbi sa bayan at mamamayan.

Aanhin mo ang may pangalan kung bobo at inutil naman?

Bumoto ng matitino at itapon ang mga basurang mapagbalatkayo.

Tuwing eleksyon lang kayo kilala ng mga ‘ yan!

Panatilihing sagrado ang imahe ng konseho ng lungsod.

Itapon ang mga immoral at palalong nilalang!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com