Advertisers

Advertisers

GABRIELA NI-RED TAG NG MGA DATING KASAMA

0 16

Advertisers

NOONG una pa lamang, marami na ang nag-sasabi na walang red-tagging. At ang salitang ito ay nagsimula lamang sa mga mismong may kinalaman sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Sabihin na natin munang, ito ay tatak, tatak na pula, kapag ikaw ay may kinalaman sa mga komunistang-terorista.

Nitong nagdaang mga araw, sumisigaw na naman ang grupong Gabriela na sila raw ay na “red-tag”.



Pero paliwanag nga ng ating kaibigang si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, ang nagtatak sa Gabriela ay mismong mga kaalyado nito at walang kinalaman rito ang ating pamahalaan.

Mga dating kasamahan o’ ‘ex-comrades’ ang tumawag o’ tumatak sa Gabriela na sila ay konektado sa nga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, ayon kay Malaya.

Ayon pa rin kay Malaya, ang pagkaka-konek sa Gabriela sa CPP-NPA-NDF ay mismong galing sa dating nilang mga kasamahan na nagbalik-loob na sa pamahalaan, sa pamamagitan ng kanilang mga ‘sinumpaang mga salaysay’ na ang nasabing partylist ay talaga namang konektado sa CPP-NPA-NDF.

Yun naman pala, kung walang nagngunguso eh di nga naman sisigaw ang Gabriela. At ang masaklap ay sa mismong mga kaalyado pa nila nanggaling ang pagtatak sa kanila, na sila ay mga pulahan din.

Masakit nga naman, kapag ganun ang nangyayari, pinagkalanulo ka ng mga dati niyong kasamhan. Kaya ang pihit naman ng Gabriela, galing daw sa pamahalaan ang pang-rered-tag.



Palusot di ba? Halatang-halata naman talaga sa mga ganitong pagkakataon, na ayaw aminin ng Gabriela na sila nga ay kabilang sa pulahan. Na niyo!