Advertisers

Advertisers

MAYORA HONEY, LUMUHA SA SAKIT NG KALOOBAN SA INTERVIEW NG ‘TONITALKS’

0 14

Advertisers

Naging madamdamin ang mga pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna ukol sa sama ng loob na idinulot ng pagtalikod ni Isko Moreno sa paulit-ulit nitong deklarasyon na kahit kelan ay hindi sila maglalaban dahil ‘pamilya’ sila.

“Bayad na daw siya sa utang na loob. Nababayaran pala ang utang na loob. I did not know that,” ang tila nadidiring pahayag ni Lacuna sa interview na ginawa sa kanya ng aktres na si Toni Gonzaga.

Ani Lacuna, ikinunsidera nila si Isko bilang pamilya tapos ngayon ay puro paninira sa kanya ang sa kanyang pamilya ang ginagawa.



Personal kong alam kung paano kinupkop nina Vice Mayor Danny Lacuna at noon ay Konsehal at ngayon ay City Administrator Bernie Ang si Isko nuong panahong siya ay isa pa lamang mahirap na konsehal na binu-bully dahil salat sa kaalaman dahil nga di nakatapos ng pag-aaral.

Mula sa isang konsehal na nakatira sa isang maliit na bahay sa Tondo, pinag-aral siya nina VM Danny at Kon. Bernie, ginawang Vice Mayor at kalaunan ay mayor. Itinuring nila si Isko bilang anak-anakan at kapamilya ng buong angkan nila, kasama na ang mga anak ni VM Danny na kinabibilangan ni Mayor Honey.

At dahil nga suportado siya ni VM Danny at City Ad Bernie Ang, natural na ang buong partido Asenso Manileño ay tumodo rin ng tulong upang makamit ni Isko ang mga narating na posisyon.

Sa interview ng ‘Toni Talks’ ay sinabi ni Mayor Honey na mahirap ang laban niya ngayon hindi dahil sa mas magaling sa kanya si Isko kundi dahil minsan nila itong itinuring na tunay na pamilya at mismong sa bunganga nito namumutawi palagi na hinding-hindi mangyayari sa kanila ang maglaban gaya ng ibang pamilya.

Pinalaki kasi si Mayor Honey sa isang pamilya na may pagpapahalaga sa salita, pagmamahal at katapatan at hindi sa ugaling manggagamit, manloloko at kawalan ng utang na loob.



Talagang di pupuwedeng mas magaling si Isko dahil tanging si Mayor Honey lang ang alkalde na ang administrasyon ay nagawaran ng Seal of Good Local Government mula sa Department of the Interior and Local Government, sa buong kasaysayan ng lungsod. Ito ay ibinibigay kapag magaling at maayos ang pamamalakad mo sa gobyerno.

Purgada pa dahil binubuno pa rin ng kanyang pamahalaan ang higanteng P17.8 bilyong utang na iniwan ni Isko, kung saan nagawa pang magbayad ni Lacuna ng P3.2 bilyon, imbes na sa gastusin ito sa mga programa gaya ng dagdag ayuda sa senior citizens.

Tumulo ang luha ni Mayor Honey sa sama ng loob na dahil walang maipukol na negatibo laban sa kanya o sa pamamahala niya ay tinarget naman ang kanyang pamilya at sinira-siraan. Ito rin ang pamilya na tinanggap si Isko sa kanilang tahanan nang buong-buo bilang isang miyembro ng pamilya, nung mga panahon na siya ay hindi pa nakakatikim ng mataas na puwesto, kasikatan o kayamanan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.