Advertisers
Maugong ang usap- usapan sa apat na sulok ng lalawigan ng Pangasinan at ito ay patungkol umano sa
” gambling money” na ipinamudmod para sa reelection bid ng mga incumbent politicians ng probinsiya.
Ito umano ang demand ng isang mataas na opisyal ng lalawigan sa lahat ng illegal gambling operators ng Pangasinan.
Largado na umano ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa probinsiya ni Governor Ramon Guico.
Isang pulis na may bansag na Tinyente Pidlawan ang nagpahatid ng balitang ito sa lahat ng gambling operators ng Pangasinan partikular na sa asosasyon ng mga perya operators sa buong probinsiya.
Ngayon pa lamang ay times three (3x) na ang goodwill at timbreng hinihingi sa mga pasugalan kapalit ng immunity ng mga ito sa huli o raid.
Si Tinyente Pidlawan umano ang tumatayong designated bagman ng Governor’s Office at ng PNP Provincial Director ng Pangasinan.
Ibig bang sabihin nito,mismong si Gov.Guico ang nagdemand sa mga gambling operators para magdonate ng campaign funds ngayong darating na midterm elections?
Ang siste,hindi lamang si Gov.Guico ang aayudahan mula sa pera ng iligal na sugal kundi ang buong partido ni governor.
Pati ang mga alkaldeng kapartido at kaalyansa ni Gov.Guico ay mabibiyayaan din mula sa donasyon ng mga gambling operators ng Pangasinan.
Kaya naman pala malayang nakakapag- operate sa ngayon ang mga peryang may sugal sa halos lahat ng bayan at siyudad ng Pangasinan tulad ng sa San Carlos, Asingan , Mangaldan, Dagupan, Pozzurubio, Anda, Bani, Rosales at Umingan.
Lagum na umano ang kinokolektang payola sa mga lugar na ito ni Tinyente Pidlawan.
Ang masakit na kinukumpirma pa natin ay ang ulat na pati drug money o pera mula sa droga ay posibleng gamitin din ng mga pulpol na pulitikong ito bilang campaign funds o sa direktang salita ay pambili ng mga boto ng tao.
Pangalan na ni Gov.Ramon Guico ang kaladkad dito dahil sa pagma- Marites ng asosasyon ng mga peryante ng Pangasinan.
Doble- doble na raw kasing pasanin sa kanilang negosyo ang payolang ipinamumudmod at ipinalalamon sa mga patay- gutom at matatakaw na kapulisan, dumagdag pa umano ang opisina ni Gov.Guico at ang mga mayors ng kanilang bayan at siyudad para pondo sa eleksyon.
Ang kakapal ng FACE!
Wala kayang nabubukulan sa sistemang ito?
Hindi naman siguro ganuon katapang at kalakas ang loob nitong si pidlawan na gamitin at ipangolekta ng payola itong si Gov. Guico at ang kanyang Provincial Director (PD) ng Pangasinan PNP kung di totoo?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com