Advertisers
KILALA ANG Pilipino sa pagiging mabait, magalang at masayahin. Ang sinumang dayuhang bumisita dito ay namamangha, natutuwa sa bait at asal na ipinakikita sa mga napadpad sa ating dalampasigan. Asal natin ang estimahin ang bisita at ito’y nagiiwan ng ala-ala na nagtatagal sa memorya. Ngunit hindi rin nagiging magiliw ang pag estima sa panauhing bastos at abusado katulad ng napala ng isang Russian vlogger sa pangalang Vitaly Zdorovetskiy.
Ang taong ito ay isang content creator, ngunit sa halip na katuwaan,siya ay kinaiinisan dahil nakakapikon ang pinaggagawa niya. Mula sa pambabastos sa mga naglalakad sa mall hanggang sa paghablot ng sumbrero ng security guard, hanggang sa pagtangay ng electric fan at tangkang pagnanakaw ng motorsiklo, iilan lang ito sa ginawa niya!
Heto lang Vasily, mababait at magalang ang mga security guards ngunit mag ingat ka. Sa kalaunan dinakip at kinaladkad ka ng CIDG. Sa maikli, nagparang si Balot ka na magpaliwanag habang naghihimas ng malamig na rehas sa loob ng kalaboso. Heto lang, mabait ang Pinoy ngunit mapanganib kaya galangin mo ang nasa katungkulan at kababaihan nito. Mapagbiro tayo ngunit may hangganan ang biro, lalo na ang pasensya ng binibiro.
Nadakip din ang nambabastos. Sa akin, nagparang wala siya sa sariling katinuan. Magpasalamat siya maraming mga dalubhasang magagaling na sumusuri ng sakit sa pag-iisip. Hindi na magandang biro ito kung nagpapanggap siya! Gayunpaman, palalampasin ng maliit na peryodistang ito ang isyu. Dalawang bagay lang; bunuin niya ang parusa sa kanya at umayos siya. Uulitin ko: mababait at matatalino ang Pilipino.
Kaya magpagamot muna siya at magsilbing aral ito sa mga nagpapangahas na pagkunan ng content gamit ang pambabastos at pang iinsulto sa kapwa. Huwag na siya bumalik dito.
***
Nagalak ang peryodistang ito nang malaman ko na sa wakas, magkakaroon na din tayo ng F-16 fighter jets. Sa nakaraan na usapan ni US secretary of defense Pete Hegseth a sarili natin nating Kalihim ng Tanggulang-Bansa Gibo Teodoro, inaprubahan ng pamahalaang Americano ang pagbili ng dalawampung F-16 na nangangahulugang isang squadron. For the F-16 deal with the Philippines ang $5.58 billion na presyo ay hindi lamang sa mga jets, kasama sa pakete ang mga makina, sandata, mga piyesa, at ang pagsasanay ng mga piloto at ground crew.
Isa itong comprehensive package na tutulak sa $279-M para sa bawat eroplano! Malaki ang pakinabang ng mga F-16 para sa Philippine Air Force. Ito ay nangangahulugan na pumapantay na ang ating bansa sa sangay ng pinaka modernong eroplanong pandigma dahil ang F-16 ay napatunayang epektibong plataporma upang labanan ang agresyon ng pulahang tsina.
Ang malimit na biro noon ay ang Philippine Air Force ay pulos”air” walang “Force”! Hindi na ngayon mga giliw kong tagabasa, dahil ang Philippine Air Force ay ngayon “force to be reckoned with.” Umpisa pa lang ito, dahil tiyak ng abang kolumnistang it na madadagdagan pa. Bilang panuldok, sa magigiting na kumakatawan sa Philippine Air Force, kasihan nawa kayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Kumpirmado talaga ng abang kolumnista, na mas may bigat ang paninindigan ng mga nasa Kongreso kaysa Senado. Hindi ako natutuwa sa asta ni Senate President Chiz Escudero. Nagalit ako nang sabihin niya kasalanan ng Konstitusyon o Saligang-Batas kaya naantala ang paglilitis ng Impeachment Court sa kaso ng Pangalawang pangulo Sara Duterte. Ani Chiz: “Kung ang intention ‘nyo po ay ‘yan talaga, sana isinulat ‘nyo po ‘yan sa Constitution.
Pati ang paggamit ng salitang ‘forthwith,’ sana ginamit ‘nyo na immediately. Hindi ‘nyo naman po nagawa at ginawa ‘yun, hindi po para sa amin na bigyang interpretasyon ang isang bagay ayon lang po sa pananaw ‘nyo ngayon,”. Pre, mawalang galang lang ha; Sa salitang Tagalog ang “forthwith” ay agaran. Kaya nalilito ang tao sa dahil niloloko ninyo ang isinasaad ng batas. GAWIN NINYO KAAGAD! Ang hirap sa asal ng mga senador na ito pulos alanganin ang pasya.
Heto lang ang sasabihin ko: WAG KAYONG BABAKLA-Bakla!
***
mackoyv@gmail.com