Advertisers
Hindi lamang isang trahedya ang naganap sa pagguho ng Cabagan-Santa Maria Bridge, kung ‘di isa itong preventable failure.
Kamakailan sa isinagawang pagsisiyasat ni Senador Alan Peter Cayetano sa Blue Ribbon Committee, naglantad ng nakakatakot na mga depekto sa istruktura, na nagsiwalat ng daan-daang red flags sa sariling ulat ng Department of Public Works and Highway’s (DPWH).
Sa kabila ng mapanghamak na ebidensya, hindi nagpakita ng pagmamadali, walang pananagutan, at mas masahol pa walang galit ang DPWH.
Paano matutugunan ng walang pakialam ang isang bilyong pisong kalamidad sa imprastraktura, na puno ng mga babala mula noong 2018?
Kakila-kilabot ito dahil ang laki ng mga depekto.
Hindi mga isolated na isyu ang mga bitak, naputol na bolts, at mga deformidad ngunit sistematikong pagkabigo sa lahat ng 12 span ng tulay.
Hindi pinansin ang mga ulat mula sa mga field engineer at isinantabi ang mga kritikal na rekomendasyon.
At ang higit na nakababahala, nagmula ang mga pagkabigo na ito sa hindi magandang konstruksyon, hindi mga depekto sa disenyo. Ang mga substandard na bakal at hindi pa nasubok na bolts, hindi lamang mga oversight – may mga kriminal short cut na ginawa dito.
Inupuan lamang ng mga opisyal ng DPWH ang mga ulat na ito sa loob ng maraming taon, na nagpapahintulot sa isang ticking time bomb.
Nasaan ang pananagutan? Nasaan na ang galit ng ahensyang may tungkuling pangalagaan ang ating imprastraktura?
Hindi ba dapat mayroong gumulong na ulo kapag nabigo ang isang kritikal na proyekto sa imprastraktura?
Ang higit na nakakainis dito ang kawalan ng urgency matapo na bumagak ito noong Pebrero 27, 2025.
Dahil pagkalipas ng dalawang linggo, walang mga suspensyon naganap, walang espesyal na komite na binuo, at kahit isang lead investigator walang itinalaga upang harapin ang insidente.
Kung ang isang bilyong pisong tulay maaaring gumuho nang walang agarang aksyon, ano ang sinasabi nito kung gaano pinahahalagahan ng ating pamahalaan ang kaligtasan ng publiko?
Dapat na isang turning point ang pangyayaring ito.
Sa P1 trilyong budget ng DPWH, dapat mayroong dapat papanagutin dito.
Dapat may kasamang mahigpit na pangangalaga at kaparusahan ang mga kontrata para sa mga lumalabag.
Panahon na para humiling ng pagbabago at tiyaking walang sacred cows sa pangangalaga ng pampublikong imprastraktura.