Advertisers

Advertisers

Dagok sa buhay ng mga Duterte

0 3,849

Advertisers

ITO na nga ang lagi nating sinasabi na ang lahat ay may resbak, may katapusan at kaparusahan, kundi man sa batas ng tao ay sa batas ng Diyos.

Kung noon ay pinaglalaruan lang ng mga Duterte partikular ng ama (ex-President Digong) ang mga batas at ang mamamayan, nabudol sa kanilang masasarap na salita at mga programang nakakabulag sa mga ordinaryong mamamayan na naghahanap ng pagkalinga at hustisya, sila naman ngayon ang nalagay sa krisis ng buhay.

Oo! Weder weder lang talaga ang politika. Kung ang mga Duterte noon ang namamahiya, lumulubid sa mga batas at pumapatay nang walang kagatol-gatol sa mga taong sa tingin nila ay sagabal sa kanilang mga kademonyohan, sila naman ngayon nakakaranas ng pasakit sa buhay. “Buti nga sa inyo yan,” sabi ng mga pamilya ng mga naging biktima ng extrajudicial killings sa pekeng ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration.



Si Digong ay mag-isang buwan na ngayon nakakulong sa The Hague, Netherlands, sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) na siyang lilitis sa kasong Crimes Against Humanity laban sa dating pangulo na minumura ang Diyos at nagtatahi ng mga kaso laban sa kanyang mga kritiko at kalaban sa politika.

Sa edad na 80-anyos at marami nang nararamdaman sa kalusugan, malabo nang maiuwi ng buhay sa Pilipinas si Digong. Dahil sa paglilitis pa lamang sa kanyang kaso ay aabot na ng siyam na taon, at ‘pag nahatulan ng guilty ay mababa sa 30 taon.

Ang kanyang anak naman, Vice President Sara Duterte-Carpio, na ayon sa beteranong journalist na si Ramon Tulfo ay mayroong “tililing”, ay nahaharap sa impeachment at kasama rin sa mga inihabla sa ICC.

Kakauwi nga lang ni Sara mula sa halos isang buwan na pagbabantay sa kanyang Tatay Digong sa Netherlands, naghahanda na naman siya para sa kinakaharap na impeachment.

At ang kanyang kapatid na si reelectionist Congressman “Polong” Duterte ay may kinakaharap namang kaso sa Department of Justice (DoJ) kaugnay ng P6.4 billion shabu na natunton sa isang warehouse sa Valenzuela City noong 2017. Na ayon sa nagsampa ng kaso na si ex-Senator Antonio Trillanes ay si Polong ang nasa likod ng pag-smuggle ng illegal drugs kasabwat ang kanyang mga kaibigang Chinese drug lords na sina Charlie Tan, Allan Lim at Michael Yang.



Nauungkat din ang joint bank accounts ng mag-aamang Duterte na umano’y naglalaman ng bilyones na drug money.

Sa dami ng mga kasong ito na kinakaharap ng pamilya Duterte, malamang ay iwanan na siyang tuluyan ng kanyang mga dating opisyal na nagpasasa noon at nagsiyaman sa mga iligal na gawain tulad nina Harry Roque.

Si Roque ay wanted sa Kongreso at nagtatago ngayon sa ibang bansa.

Ang krisis sa buhay na nararanasan ngayon ng mga Duterte at ng kanilang mga dating opisyal ay matatawag nating “bad karma”.

Tama lang managot sila sa batas kundi man ay sa batas ng Maylikha.

Babala narin ito sa mga nakaupo sa puwesto: Magserbisyo ng tama at hindi ang mag-abuso at magpasasa. Dahil ang lahat ng bagay ay may katapusan. Mismo!

Oo! Ang politika ay weder weder lang!!!

***

35 days nalang eleksyon na! Magpili tayo ng tama, wakasan na ang politikang kuarta kuarta para sa maayos na bukas…