Advertisers

Advertisers

Gen Quesada at Col Revita, idinadawit sa iligal na sugal sa Oriental Mindoro

0 12

Advertisers

SIMULA ng maitalaga bilang provincial director ng Oriental Mindoro si PCOL EDISON REVITA at regional director ng PRO MIMAROPA si PBGEN. ROGER QUESADA ay lalong yumayabong ang kabi-kabilang operasyon ng mga ilegal na sugal tulad ng STL cum jueteng at perya na may sugal tulad ng “color games at drop ball baraha” na parang kabute na nagkalat ngayon sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor.

Napag-alaman natin na pinapayagan ng mga lokal na kapulisan ang iligal na sugal na ilang taon ng namamayagpag sa naturang probinsiya.

Ayon pa sa mga residente, parang legal na ang mga nagsusulputang sugal sa nabanggit na lalawigan ang hindi maipaliwanag na dahilan ay kung bakit lantad na lantad ang gambling operation na ito sa hurisdiksyon ni Col Revita at Gen Quesada.



Ayon sa isang magulang na ayaw ipabanggit ng kanyang pangalan, halos mga kabataan at menor de edad ang kadalasang nakikitang tumataya sa drop ball baraha at color games na pumupusta P500 hanggang P3,000 na taya.

Base sa sumbong ng mga residente sa pitak na ito, hindi magandang impluwensiya ang natututunan ng mga kabataan sa nasabing sugalan na pinagkakaguluhan gabi-gabi na inaabot umano ng madaling araw.

Anila, kalimitan sa mga kabataan na pinapayagan mag sugal ay nasa edad 12-anyos pataas kaya naman nananawagan sila kay Oriental Mindoro DepEd Division Superintendent Dr. Maria Luisa D. Servano CESO V1 at DepEd Sec. Sonny Angara maging sa mga local authorities na gumawa ng aksyon hinggil sa nasabing ilegal na aktibidad na kinahuhumalingan ng maraming kabataan at estudyante.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang sektor sa lalawigan gaya ng mga samahan ng kababaihan, parents and teachers association at simbahan hinggil sa hindi masugpo na iligal na sugal kaya nais ng mga ito na ipaabot kay PNP Chief, Rommel Francisco Marbil at DILG Secretary Jonvic Remulla ang kanilang petisyon na ipatigil ang talamak na presensya ng iligal na sugal na kung tawagin ay Pergalan (Perya-sugalan) at STL cum jueteng dahil lubosang nalululong dito ang mag asawa at kabataan.

Nabatid ng BALYADOR maging ang mga kaparian, pastor at mga religious sector ay tumutuligsa din sa naturang sugal na matatagpuan sa labing apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro na sinasabing kinukunsinte ng mga matataas na opisyal ng kapulisan.



Samantala, bukod sa pergalan (perya-sugalan) ay sobrang talamak din ang STL cum jueteng na minamantini ng maimpluwensiyang pulitiko sa lalawigan dahil sa basbas diumano ng isang opisyal sa Malakanyang kaya nagiging untouchable ang operasyon nito ng walang bumubulabog.

“Isa sa mga idol Ronald kaya ‘di matinag tinag ang mga iligal na sugal sa Oriental Mindoro dahil sa mga garapal na mga “bagman” ng S2, R2, RSOG, CIDG na sina alyas Sgt Guco, Sgt. Raymond, Sgt. Leynes, Sgt. Hernandez, Sgt. Manalo at alyas Nonoy na diumanoy sagradong tauhan ng Police Provincial Office at Police Regional Office na nagpapahirap sa mga peryante.” – text ng texter na nagpakilalang police official na ayaw banggitin ang kanyang pangalan

“Sinong gagong tao ang maniniwalang hindi sangkot sa opisyo ng iligal na sugal itong mga kabaro kung opisyal kung ganireng mga mamamayang mindoreño ang kumokondena sa gabi-gabing sugal na drop ball baraha at color games sa perya na inaabot ng madaling araw.” – dagdag pa ng texter na police official

Tutukan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.