Advertisers

Advertisers

Kanlaon unrest: Kalusugan, kaligtasan ng mga bakwit unahin – Bong Go

0 5

Advertisers

Kasunod ng panibagong pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Isla ng Negros, hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga lokal na opisyal na unahin ang kalusugan, kaligtasan, at dignidad ng mga bakwit.

Kasabay nito’y pinaaapura ni Go ang ganap na pagpapatupad ng Republic Act No. 12076, o ang Ligtas Pinoy Centers Act, na pangunahin niyang iniakda at inisponsoran.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga opisyal ng barangay mula sa Bulacan sa Liga ng mga Barangay – Bulacan Chapter Provincial Congress sa Iloilo City kamakalawa, ipinaalala ni Go sa mga lokal na pinuno ang kanilang mahalagang papel sa pangangalaga sa mahihinang komunidad sa panahon ng mga kalamidad, tulad ng pagsabog ng Kanlaon.



“Paalala ko lang po sa ating mga kababayan, of course sa ating mga barangay officials, magtulungan po tayo na ilikas po ‘yung mga kababayan natin sa ligtas na lugar at kung ano ang sabihin ng LGU, sumunod po tayo,” ani Go.

Ang Bulkang Kanlaon ay sumabog noong umaga ng Abril 8, na nagdulot ng pagbuga ng malaking abo na humigit-kumulang 4,000 metro ang taas patungo sa timog-kanluran. Ang mga pyroclastic density ay bumaba sa katimugang dalisdis ng bulkan kaya iniutos ang paglikas at ang pagsuspinde sa mga klase sa mga apektadong lugar.

Binigyang-diin ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Teresito Bacolcol ang pagbabantay sa mga residente. Ang bulkan ay nananatili sa Alert Level 3 at nagpapahiwatig ng mas mataas na pagsabog kaya hinimok niya ang mga komunidad na manatiling alerto at umiwas sa 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan.

Bilang punong may-akda at co-sponsor ng Ligtas Pinoy Centers Act, binigyang-diin ni Senator Go na layon ng batas na tiyakin na ang bawat lungsod at munisipalidad sa bansa ay magkaroon ng permanente at kumpleto sa gamit na evacuation center, bukod sa nagbibigay ng marangal, ligtas, at sanitary shelter para sa displaced Filipinos.

Nilagdaan bilang batas noong Disyembre 6, 2024, ang Republic Act No. 12076 ay nag-uutos sa pagtatayo ng mga resilient evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad, na may kakayahang makayanan ang mga bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pang kalamidad.



Ayon kay Go, ang mga pasilidad na ito ay idinisenyo na may mahahalagang amenities tulad ng supply ng tubig, kuryente, bentilasyon, emergency supplies, at mga akomodasyon para sa mga matatanda, mga taong may kapansanan, mga buntis at mga bata.

“Batas na po ‘yan, ibig sabihin priority po ‘yan ng gobyerno na ating isinusulong rin po,” ani Go sa pagsasabing ito ay pambansang pangangailangan, lalo sa disaster-prone regions.