Advertisers
Dumadaan sa matinding pagsubok ang bawat tao na maglalandas sa pagpapasya kung dapat tumuloy sa hangarin at tumindig ng nag-iisa at lumayo sa mga kasama para sa sariling kapakanan. Adhikain ang maglalandas sa pagpapatuloy sa layon maging sa kawalan ng dating kasanga para sa kagalingan sa hinaharap. Mahalaga ang grupo na katuwang sa laban sa kinabukasan, tulad ng magulang sa anak o’ anak sa mag-asawa. Ang ugnayan na base sa layon ang nagdidikit sa mga magkakasama na mag-kaisa sa harap ng hamon ng panahon. Sa pagkakataong mapatid ang taling nag-uugnay, asahan ang pagkakaiba sa landas na tatahakin. Karaniwan ang kanya-kanyang ibig sa buhay maging ang magkakasindugo. At sa paglisan ng nag-uugnay, ang lumandas sa sariling nais ang ‘di maiiwasan higit may pagkakaiba sa lakad o layon na ibig marating.
Sa kaganapan sa bansa, silip ang pagsisikap ng grupo ng mangmang ng kaTimugan na mapanatili ang pagiging iisa ngunit tila tumatanaw sa araw na kahit dilat ang mata ‘di makita ang liwanag. Sa ibig na pagpapabalik kay Totoy Oblo, na nasa malayong Iwahig este Hague, may kahirapan masungkit ang nais na naglalarawan sa pagkakahiwalay ng landasin ng dating magkakasama. Nariyan ang iba’t – ibang paggalaw tulad ng pagdinig sa ilang bagay bagay sa usaping politika ngunit tulad ng inaasahan, nilangaw ang pagdinig dahil sa “executive privilege” na tila tubig na pumigil sa pagkalat ng apoy ng pagpapagwapo ni Baby Lina. At ‘di makontra ng malasadong Keso ang pustura ng ehekutibo at dumistansya sa pagdinig na ginanap. Sorry you’re the weakest link, bye bye Lina.
Ang nakakatuwa, tila nakalimot ang seksing senador na nakisangkot sa pagdinig ni Baby Lina ang nabuksan ang sariling usapin sa pandarambong at tila matutuluyan ang pagbabalik sa karsel sa pagtanggi ng Kataas-taasang Hukuman sa tindig na pagpapatapon sa sakdal na hinaharap. Malinaw na sala ang kilos ng seksing senador na dahilan upang mabilisang itinapon ang tindig na hinain sa hukuman, at hintayin ang pagbabalik sa karsel ng matabil na senador na bihasa sa panunuwag maging sa mga kababaihan dahil sa paradahan ng sasakyan.
Hindi tumitigil ang pagtatangka ng mangmang ng kaTimugan at patuloy na dinadaan sa legal na pamamaraan ang pagsasampa ng kung ano-anong tindig sa Kataas-taasang Hukuman sa bansa upang pabalikin si Totoy Oblo. Ang pagsasampa’y naglalayon na mapanatili ang Mahika ng bastos ng kaTimugan subalit ito’y sa isip na lamang at ‘di sa katotohanan. Ginagawa ang iba’t ibang paraan upang maipamalas na buo ang grupo at may malakas sa halalan higit kung maibabalik ang bastos na si Totoy Oblo. Subalit ‘di masilip ang mga tapat na tagasunod ni Totoy Oblo na tila bula na nawala sa takot na madala sa Iwahig este sa Hague.
Kasing linaw ng sikat ng araw na ‘di na mamalas si Pugong senador sa takot na madampot ng internal police. Sa kasalukuyan, gamit ni senador Pugo ang social media sa pagpaparamdam at ‘di natatakot kuno sa dadampot ngunit ‘di makita kung saan nakatago ang sumusumpa na ‘di kasapi ng Davao death squad. Ang posturang banggit ang indikasyon na ‘di na parang kulangot sa lagkit ng pagkakadikit ng mga magkakasama sa lapian ng PaDaPa na patuloy ang pagdausdos ng kapalaran na makabalik sa senado. Samantala, nakakabingi ang isang senador na tunay kuno ang malasakit sa among ‘di nakita ang pagsakay sa eroplano na nagdala sa Hague.
Ang pagkamalapit sa among ‘di nakita ang pag-alis ang bitbit sa kasalukuyang pag-iikot ni senador stop ang Go upang akitin ang mga botante na ipinakikita kuno ang katapatan. Ang pagsakay na pagalit sa usapin ni Totoy Oblo ang patuloy na nilalaro at primerong bangit sa panlililo sa mga botante na bulag sa salang pahayag ng dating pangulo upang masiguro ang pagkakahalal. Hindi usapin ang mga tustusin dahil si stop ang Go ang batid na taga bayad ng gantimpala sa mga pumapatay sa EJK. Hawak ni stop and Go ang bulto ng salapi na dumadaan sa opisina ni Totoy Oblo, legal o ‘di legal. Batid sa mundong ginagalawan ang bagsik sa lapit ni stop and Go kay Totoy Oblo at ang tagabigay ng gantimpala sa mga pumapatay na kapulisan ng bigong laban sa droga.
Sa pagpapatuloy ng baluktot na galawan ng mangmang ng kaTimugan, nagpasok kuno ng programa sa isang government financial institution ang balalay ni Totoy Oblo, na tinawag na malasakit sa Philhealth. Isang paraan upang makatulong kuno sa mga mahihirap na may sakit. O’ paraan upang magamit sa pagpapahalal sa senado na nagawa. Ang pagtustos sa salapi ng PHILHEALTH ang isang behikulong gamit upang maalala ng mga tao ang balalay ni Oblo. At sa totoo lang, lumiit ang ambag ng nasabing GFI sa usapin ng kalusugan sa panahong banggit.
Sa pagsasaliksik, hindi man nakitaan tuwirang pakikisangkot ni stop and Go sa usapin ng EJK, silip ang gawang pagbibigay pabuya na nagpaigting ng pagdami ng namamatay sa bigong laban sa droga. Masasabing si Stop and Go ang mga tuwirang tinutunguhan ng mga salapi na legal o ‘di legal na mula sa mga kasapakat sa galawang pera pera ng kaTimugan. Malinis ang diskarte ngunit sa mga paglalahad ng ilang mga nakatanggap ng pabuya, malinaw na binabanggit ang ngalan ni stop and Go na nag-aabot ng pabuya. Kalkalin natin sa susunod.
Sa kilos na PaDaPa, asahan na dadalan o ang pagkakataon na magkakasama ang magkakasangga sa lapian sa pagkakawala ni Totoy Oblo sa eksena. Masasabing patuyo na ang likido ng salapi at ang may bala ang magpapatuloy sa pag-iikot upang ipaalam ang ‘di pag-urong sa labang tinatahak. Ang lapian na tinitingala ngayo’y tila sumablay sa pagkakakulong ng kanilang punong gago. Ang pagmamalasakit sa isa’t isa’y isa na lang kasaysayan dahil ang maisalba ang sarili ang laro na ‘di maiiwasan. Silip ng PaDaPa ang pagkawala ni Oblo sa bansa, ang sitwasyon na nagpababa na mahalal sa senado, malamlam ang kasalukuyang panahon, higit sa humiwalay sa administrasyon.
Sa totoo lang, panahon na isalba ang sarili’t iwan ang dapat iwan ng makapagpakita ng magandang laban sa Mayo. Hindi mahalaga ang nakaraan sa kasalukuyan dahil una ang sarili bago ang iba sa labang kinakaharap. Marami na ang pagbabago sa regla ng karera sa senado dahil ang dating tiyak ang panalo’y tila lumabas sa 12 napupusuan. At malinaw na malinaw, laglagan na ang laban para sa sariling kinabukasan.
Maraming Salamat po!!!!