Mayor Honey sa ‘Araw ng Kagitingan’ – Bigyang pagkilala ang mga yumaong bayani at mamamayan na matatag na hinaharap ang hamon ng araw-araw na buhay
Advertisers
BILANG paggunita sa “Araw ng Kagitingan,” ay nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila na bigyang pagkilala ang mga yumaong bayani at mga kasalukuyang mamamayan na kumakatawan sa katapangan sa paghaarap sa araw-araw na hamon ng buhay sa gitna ng iba’t-ibang balakid na dala nito.
Partikular na binigyang dangal ni Lacuna ang mga senior citizens, persons with disability at solo parents na nagpakita ng tapang sa kanilang araw-araw na buhay kung saan ‘di sila nagpapadaig sa hamong dala ng kanilang sitwasyon.
“The resilience of these sectors, she notes, is admirable and truly worthy of emulation and praise. This is why we in the local government show our small way of support by providing them with all the assistance possible,” sabi ni Lacuna.
Sinabi pa ng lady mayor na marapat ding bigyang pagkilala ang mga nasa serbisyo publiko kung saan inalay nila ang kanilang buhay sa pagtulong sa kapwa sa araw-araw.
Kabilang dito ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, fire volunteers at barangay authorities na ginagampanan ang kanilang tungkulin para lamang makatulong sa kapwa mamamayan.
Binigyang din ni Lacuna ng espesyal na pagkilala ang mga health workers at iba pang frontliners na nagsilbing sa mga residente noong panahon ng pandemya sa kabila ng peligrong kinakaharap ng sarili nilang buhay.
Matatandaan na si Lacuna ang namuno sa Manila’s health cluster noong pandemya kung saan siya ang in- charge sa vaccinations, pagbili at pagkuha ng mga gamot at pagbuo ng mga paraan kung paano labanan ang COVID.
Bilang doktor at dating vice mayor siya rin ang pinaka-pinuno ng operasyon ng anim na district hospitals ng lungsod at 44 health centers noon at ito ay para lamang matugunan ang pandemya. (ANDI GARCIA)