Advertisers
Kumpiyansa ang Malakanyang na rerespetuhin ng Amerika ang “sovereign prerogative” ng Pilipinas kaugnay sa paghawak nito sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Pahayag ito ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro kasunod sa nagging pahayag ni Senator Bato Dela Rosa kung saan nanawagan ito kay US President Donald Trump na i-sanction ang mga indibidwal na tumulong sa pag turn-over kay ex-PRRD sa ICC.
Ipinunto ni Dela Rosa ang nilagdaang Executive Order ni Trump nuong Pebrero na nagbibigay otorisasyon ng economic at travel sanctions laban sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa ICC at nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga US Citizens at sa mga kaalyadong bansa nito gaya ng Israel.
Nakasaad kasi sa EO ni Trump na maaring tumanggi ang US at maging mga kaalyado nitong bansa sa anumang aksiyon ng ICC.
Giit ni Castro na bagamat kasama ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa ng US, naniniwala ito na kilalanin ng Amerika ang prerogative ng bansa.
Kung anu- anong segway na at justification ang ginagawa ni Atty.Castro para maglubid ng kasinungalingan para idepensa.ang administrasyong Marcos.
Si Castro ay pinapasuweldo ng pamahalaan para maging isang political attack dog ng kanyang among si Marcos Jr.laban sa mga kalaban nito sa pulitika on her capacity as personal PR/ defender ng presidente.
In short,propagandista ito ng pamilya Marcos at hindi interest ng bayan ang isinusulong kaya naman BASURANG lahat ang mga impormasyon at komunikasyong nagmumula at lumalabas sa kanyang mabantot na bunganga.
Dahil bias ang aso sa kanyang amo at principal na si Marcos Jr.,pilit nitong palalabasing tama ang ginagàwa ng gobyernong ito kahit pà nga masahol pa fake news ang isinusubo ni Atty.Castro sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC).
Di naman istupido ang mga taga- media… marunong lang lumaro!
Weather weather lang ‘yan Atty.Claire,wala namang forever eh!
“What goes around,comes around!”
May kasunod…
Abangan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com