Advertisers
NASUNGKIT ng Petro Gazz ang kanilang unang PVL All-Filipino Conference title laban sa Creamline, 25-21, 25-16, 23-25, 25-19, sa Game 3 ng finals Sabado.
Ito ang pangatlong titulo ng Petro Gazz overall sa liga.
Brooke Van Sickle ang pinangalanan na All-Filipino Conference MVP, habang si MJ Philips ang pinarangalan na Finals MVP plum.
Samantala, Binulsa ng Akari ang bronze medal laban sa Choco Mucho,25-15, 26-24, 26-24.
Naangkin ni Brooke Van Sickle ang kanyang pangalawang All-Filipino Conference MVP matapos pamunuan ang Petro Gazz sa makasaysayang titulo Sabado ng gabi sa PhilSports Arena.
Ang Filipina-American high-flyer ay naglaro ng crucial role para ibigay sa Angels’ ang third overall crown at unang All-Filipino title, giniba ang Creamline sa three-game finals series.
Savi Davison ng PLDT at Bernadeth Pons ng Creamline ang pinangalanan na Best Outside Spikers habang si Thea Gagate ng ZUS Coffee at Creamline’s Bea De Leon ang tinanghal na Best Middle Blocker.
Trisha Tubu ng Farm Fresh ang pinangalanan na Best Opposite Spiker habang Creamline veteran Kyle Negrito ang pinarangalan na Best Setter.
Choco Mucho’s Thang Ponce naangkin ang Best Libero honors matapos tulungan ang Flying Titans na marating ang semis.