Advertisers

Advertisers

Hivala za vse!

0 9

Advertisers

“Thanks for everything” ang ibig sabihin sa wikang Ingles ng Slovenian na mga salitang “ hvala za vse”.

Yan ang naka-print sa mga ipinamigay na mga t-shirt sa American Airlines Center sa Dallas, Texas noong game ng Mavericks vs Lakers noong Biyernes.

Isang tribute video kay Luka Doncic rin ang ipinalabas sa big screen bago ang laro. Naiiyak pa ang The Don sa napanood niya sa emotional niyang pagbabalik sa siyudad.



Umiskor ang global superstar ng 45 points, 8 rebounds, 6 assists at 4 steals sa panalo ng purple at gold.

May mga poster din ang mga tagahanga na ang nakasulat ay “ We love you, Luka” at “ Welcome home, Luka”

Mayroon ding sumidigaw ng “ Fire Nico” na pang-asar sa GM ng Mavs na mastermind ng blockbuster trade.

Tunay na maramdaming araw na iyon para sa 26 años na Europeano. Sa katunayan may standing ovation pa siya nang inilabas na ni Coach Reddick ang bida na under 2 minuto ns lang ang natitirang sandali sa laban at lamang sina ng mahigit 20.

Eka nga ni Aling Barang ay swerte ang LA sa di inaasahang paglipat sa kanila ng may suot ng jersey #77. At malas ng Dallas sa desisyong ipagpalit siya sa kasagsagan ng kasikatan at kalakasan.



***

Sa pinakahuling survey ng Octa Research ay nasa 12-18 na puwesto si Manny Pacquiao ka-statistical tie ang anim pang kandidato sa pagkasenador. Kabilang sa kadikit ni Pacman ay sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Halos ganoon din ang figures aa Pulse at WR Numero

Ayon kay Pepeng Kirat mas kursunada niya ang dalawa kaysa sa asawa ni Jinkee kung pagiging miyembro ng Mataas na Kapulungan ang usapan. Mas may napatunayan na sina Kiko at Bam sa kanilang panunungkulan. Pero kung boxing ito ay siyempre sa anak ni Aling Dionesia si Pepe. Hehe.

***

Ang ongoing Phil Cup ng PBA ay parte pa ng 49th season ng liga. Pagkatapos ng conference na ito ay saka pa lang sisimulan ang ika-50.

Nag-overlap kasi mga petsa dahil April 9 ang tunay na first game ng Asia”s first play for pay league na ginanap sa Big Dome at hindi naman sa Rizal Memorial Colisuem.

Sa pormal na event sa pagkikilala sa dagdag ng sampu ng Greatest List ay dalawa naman ang wala sa Solaire North.

Hindi nakasipot sina Abe King at Yoyoy Villamin na parehong nasa abroad. Tinanggap nina Allan Caidic at Dante Silverio ang parangal para kay Abe. Yung asawa at anak naman ni Yoyoy ang kumatawan sa kanya.