Advertisers

Advertisers

Vice Ganda magbabalik sa GGV

0 12

Advertisers

Ni Archie Liao

SA isang panayam, inamin ni Vice Ganda na isang challenge para sa kanya ang mag-isip ng mga segments na ipi-feature sa “It’s Showtime”.

Hindi naman kasi kaila na bukod sa host ay siya ang creative director ng nasabing noontime show.



Ani Vice, may mga segments daw sa show na napakalakas sa online at YouTube pero pagdating daw sa free TV ay walang pumapasok na ads.

Dagdag pa niya, kunsiderasyon pa rin daw nila sa programa ang segments na sa palagay nila ay tatangkilikin sa free TV.

Sa naturang interview, sinabi rin niya na may offer na siya na muling mag-host ng “Gandang Gabi, Vice” na namayagpag bilang Sunday talk show noong may pre-pandemic at nang time na may prangkisa pa ang ABS-CBN.

Aniya, tinanggap na raw niya ang alok sa kanya at naghihintay na lang siya ng go-signal sa mga bossing ng Dos.
Gayunpaman, kahit wala na raw prangkisa ang Kapamilya network, nagpapasalamat naman siya na patuloy na nagsu-survive ang kanilang show.

Malaking bagay din daw na may bagong tahanan ang “It’s Showtime” na napapanood din sa GMA-7.



Dahil nalalapit na ang eleksyon, sinabi naman ng unkabogable star na maraming party list ang nanligaw sa endorsement niya.

Pero tinanggihan niya ang mga ito dahil hindi siya bilib sa pagkatao ng mga nagsusulong ng nasabing grupo.

“Ang dami ring lumalapit sa akin na mga partylist na pinagdududahan ko rin, talaga, iyan ang partylist mo? Parang ang layo sa pagkatao mo nung partylist na binibitbit mo,” ani ni Vice Ganda sa kanyang vlog kasama si Angkas CEO at Angkasangga Partylist First Nominee George Royeca.
“Kasi ngayon, parang gamitan na lang din ang grupo ng tao na bibitbitin kuno, para mas magmukha silang relatable, mas magmukha silang masa at may kaakibat,” dagdag pa ni Vice Ganda.

Ayon kay Vice, nagpasya siyang suportahan ang Angkasangga Partylist dahil bukod sa matagal na niyang kilala si Royeca, kaisa rin siya sa mga isinusulong na mga programa nito—kabilang ang magandang sistema ng Angkas na naipatupad na sa maraming lugar sa Pilipinas.
Isa sa mga plano ng Angkasangga Partylist na sinusuportahan ni Vice ay ang pagkilala sa informal workers bilang importanteng kasangkapan ng ekonomiya ng bansa.
Para kay Royeca, malaki ang maitutulong ng pagkilala sa informal workers upang maiangat ang kanilang buhay at makaahon sa kahirapan.
“Paniwala ko, we can eradicate poverty in our lifetime if you just recognize those workers that are already working on a daily basis. Have a law that will protect them, their livelihood and income,” ani Royeca.
Nakiusap din si Vice kay Royeca kung maaari nitong suportahan maipasa ang SOGIE bill kapag nakaupo na ito sa Kongreso.
Ayon kay Royeca, matagal na siyang kaalyado ng LGBTQIA+ community at marami na silang ginawang kampanya sa Angkas para suportahan ang nasabing community at makakaasa si Vice na boboto siya para ipasa ito.