Advertisers

Advertisers

Buong suporta ng pamilya Dy at ni Gov. Mamba nasungkit ni Sen. Lapid

0 21

Advertisers

NASUNGKIT ni Senador Lito Lapid ang buong suporta ng pamilyang Dy sa Isabela para sa kanyang reelection sa pagka-senador ngayong Midterm Elections.

Sa kanyang mensahe, sinabi nina Vice-Gov. Bodjie Dy at Cong. Mike Dy na maasahan ni Lapid ang kanilang tulong sa paghahangad nito na mahalal sa ika-apat na termino.

Samantala, tiniyak din ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang buong tulong ng mga Cagayano kay Lapid.



Ayon kay Gov. Mamba, bilang dating Kalihim ng Presidential Legislative Liaison Office(PLLO), nakilala nya nang husto ang pagkatao ni Lapid na tapat sa trabaho bilang Senador at malaki ang kontribusyon sa pag-apruba ng mga priority measure ng Malakanyang noong administrasyong Aquino.

Sa inisyatiba ni Lapid, naglaan ng malaking pondo para sa mga proyekto sa Isabela at Cagayan, kabilang na ang pag-upgrade ng dalawang paliparan doon para makabyahe ang mga eroplano sa gabi at makadagdag sa turismo sa nasabing mga lalawigan.

Bago ang Holy Week, sinuyod ng Senador ang mga bayan mula sa Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Isabela, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur hanggang La Union.