Advertisers
Maraming tao na ang nakapuna at nakapansin na tila daw hindi na maangas at mataray si VP SARA DUTERTE.
Maging ang ilan political expert ay ganon din ang pinapalagay dahil sa ito daw ay bigla na lang kumalma at naging malumanay na sa kanyang pananalita.
Ito ay kina-gulat din ng publiko at ng madlang people na kanila ring pinagtataka. Iba daw talaga ang pinagbago ni VP SARA sa kanyang pag-uugali.
Ang biglang pagbabagong ito daw ay nang madetine ang kanyang amang si FPRRD sa The Hague sa The Netherland sa detention center ng International Criminal Court (ICC).
Si FPRRD ay dinakip dito sa Pinas at nilipad agad sa nasabing bansa dahil umano sa kasong crimes against humanity na sinampa sa kanya ng ICC.
Ito ay batay sa libo-libong mga Pilipino na namatay o di kaya’y pinatay sa kasagsagan ng kanyang programang all out war against drugs na kanyang ini-lunsad noon kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.
Ipinapalagay ng marami na parang humina daw ang loob ni VP SARA nang arestuhin at dalhin ang kanyang ama sa The Netherland kung saan ito naka-detine.
Luma-labas daw na nakasandal lang ito kay FPRRD at dito lang ito kumukuha ng lakas ng loob.
Kung tutuusin ay makatotohanan ang sina-sabi ng marami dahil hanggang sa kasalukuyan naman ay marami pa ring mga supporters ang kanyang ama.
Maliban sa mga supporters ni Digong, nakaka-sigurado rin ang VP na hinding-hindi siya pababayaan ng kanyang ama at malaki ang posibilidad na kunsintihin pa siya nito anuman ang mang-yari.
Bagama’t hindi na Pangulo si Digong saksing-buhay tayong lahat na ito ay makapangyarihan pa rin at kumpleto pa rin ang makinarya sa kasalukuyan
Iba pa rin nga naman ang may TATAY na nasa tabi mo lang palagi at siguradong hindi ka pababayaan anuman ang maging situwasyon.
Ngayong panahong ito ay kailangan talagang kumalma si VP SARA at maging malumanay lalo na sa kanyang pananalita dahil wala na siyang inaasahang matatag at matibay na kakampi.
Wala rin naman siguradong masama kung siya ay lumugar at bumalanse sa mga situwasyon sa anuman kaganapan.
Kung ang mga aso ay nagiging bahag ang buntot, ganon din siguro ang mga tao na may takot din at pangambang nararamdaman.
Iba pa rin talaga ang nasa tabi mo lang ang Isang Amang malakas at makapangyarihan na handa kang ipag-laban anuman ang mang-yari.
Kung kaya’t ang tawag nga sa kanila ay ” haligi ng tahanan” lalo na kung Ikaw ay naging haligi at sandigan ng Isang bansa na ngayo’y walang pwedeng gawin kung hindi maghintay at manalangin.
Sa situwasyon ni VP SARA, wala na rin muna siyang dapat gawin kundi magdasal at manalangin na harinawa’y maabsuwelto si FPRRD sa mga kasong kinakaharap nito.