Advertisers
Pagpasok ng tag-araw “summer” sa bansa, sumunod rin ang pag-init ng ulo ang nakararami dahil nga sa sobrang init – umaabot pa nga sa 42 degrees ang heat index. Kahit nga sa Baguio City ay dama din ang heat index pero kahit na paano ay nakababawi pagdating ng gabi.
Mainit na nga sanhi din ng pag-init ng ulo ng mga kababayan natin…lalo pang uminit ang mga ulo nila.. Bakit kamo! Bakit!?! E paano kasi, may bad news patungkol sa bayaran sa kuryente. Naku po, lumang balitan na iyan – tataas na naman ang singil sa kuryente?
Ngayong Abril, tumaas na naman ang singil sa kuryente kaya lalong naiinitan pa rin ang marami kahit na de aircon ang kanilang tahanan. Pero may solusyon para dito.
Naniniwala si dating DILG Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos na kapag inalis ang VAT sa kuryente at petrolyong ginagamit sa power generation, tiyak na malaki ang ibababa sa bayaran ng kuryente.
“Due to this increase, it gets harder for ordinary families to keep the lights on. Twenty years ago, when I was a congressman, electricity had no VAT. I opposed it then, and I’m standing by that position now,”ani Abalos.
Ngayong Abril, nakaranas ng pagtaas sa power rate ang mga kustomer ng Meralco ng 72 sentimos kada kilowatt-hour, na may katumbas na dagdag sa buwanang bill na humigit-kumulang P145 para sa mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh.
Kapansin-pansin na ang sistema ng pagsingil sa enerhiya sa bansa ay punong-puno ng buwis mula sa bawat hakbang ng produksyon at distribusyon ng kuryente.
“You have 12% VAT on generation, 12% on distribution, 12% on transmission—and then there’s systems loss passed on to consumers. How can any country thrive like this?” ani Abalos.
Ang resulta ani Abalos, maraming dayuhang mamuhunan sng nagsisilayas sa bansa at lumipat sa karatig-bansa na mas mababa ang singil sa kuryente.
“We have world-class Filipino talent, but we’re losing jobs because it’s too expensive to operate here,” dagdag pa niya.
Dahil sa mga pangyayari, panukala ni Abalos ang pag-alis ng VAT sa kuryente upang mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer at mapasigla ang kompetisyon sa negosyo.
Pangako ni Abalos na maghahain siya ng panukalang batas upang alisin ang VAT sa kuryente at bawasan ang buwis sa petrolyo na ginagamit lamang sa power generation sakaling palarin sa Senado ngayong 2025.
Buo rin ang suporta ni Abalos sa pagpapalawak ng renewable energy sa bansa, lalo na’t malawak ang potensyal ng Pilipinas para dito.
“Right now, we’re only using 18 to 21 percent renewables. In Nordic countries, it’s over 50 percent—and it’s cheaper. We should invest more in renewable energy,” aniya.
Binanggit ni Abalos na bilang isang archipelagic country na hitik sa natural resources, ang Pilipinas ay may napakalaking kakayahan na makalikha ng malinis na enerhiya mula sa hangin, alon, at araw—ngunit patuloy pa rin tayong umaasa sa imported fossil fuels.
Para kay Abalos, ang pagsuporta sa renewable energy ay hindi lamang usapin ng kalikasan kundi isang matalinong hakbang pang-ekonomiya.