Advertisers

Advertisers

‘TUMAAS ANG KILAY’ KAY ENGR.

0 5,390

Advertisers

“TUMAAS ang kilay” ng mga kababayan natin sa Nueva Ecija matapos maitalagang ‘District Engineer’ sa ‘First Engineering District’ si Engr. Ferdinand Llamas.

“Galing” kasi sa ‘Second Engineering District’ itong si Llamas kaya maraming nagulat, DPWH Senior Usec. Robert Bernardo, kung paanong “nakatawid” sa kabilang distrito itong si Llamas—at promoted pa! Aber, “wala” na raw bang ‘qualified’ sa hanay ng mga ‘engineer’ sa unang distrito?

Wala tayong “masamang tinapay” dito kay Llamas, mga kabayan at hindi nga natin siya personal na kilala.



Kaya bukas ang ating pitak sa kanyang paliwanag kung paano kaya niya natapos ang kanyang kursong ‘Civil Engineering’ sa Nueva Ecija University of Science and Technology noong 2016 kasabay ng kanyang trabaho sa DPWH?

May reklamo kasing naisampa dito kay Llamas sa Ombudsman hinggil sa nasabing isyu kung saan wala siyang ‘absent’ sa kanyang trabaho kasabay ng kanyang pagpasok sa NEUST. Hmm. “Nahahati” kaya ang kanyang katawan para sabay niyang magawa ito?

Sa dokumento, lumalabas na bukod kay Usec. Bernardo, kahit si Secretary Manuel Bonoan, Civil Service Commission at ang regional director sa Region 3 at district engineer sa Second District, kasama na ang Senado at Kongreso, nabigyan ng kopya ng reklamo.

At sa kabila nito, ‘promoted’ pa rin? Hmm. Nasaan na ang kampanya sa ‘good governance at ‘transparency’ kapag ganyan, hindi ba, CCW chairman Carlo Batalla?

Abangan!