Advertisers

Advertisers

KABABAIHAN UMAANGAT SA UNIFORMED SERVICES

0 5

Advertisers

PATULOY ang pag-angat ng kababaihan sa hanay ng uniformed services sa Pilipinas.

Ito’y bunsod ng pagkakahirang ng mga babaeng opisyal at tagapagsalita ng ilang ahensyang pangseguridad ng bansa gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Itinuturing naman ito ng ilang sektor bilang isang makasaysayang hakbang ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalarawan ng umano’y pagbabago sa pananaw ng publiko ukol sa papel ng kababaihan sa sektor ng seguridad at depensa.



Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi naman ni PCG spokesperson Capt. Noemie Guirao-Cayabyab na aktibong bahagi ng organisasyon ang mga babaeng miyembro sa mga operasyon, kabilang ang tinatawag na “Angels of the Sea” o mga babaeng personnel na naitatalaga sa mga barko upang tumulong sa maritime security at humanitarian missions.

Sinabi ni Cayabyab na sa kabila ng patuloy na pagharap sa mga hamon ng serbisyo ay pananatilihin aniya nila ang mataas na antas ng propesyonalismo, integridad, at kalidad sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko. (Gilbert Perdez)