Advertisers

Advertisers

Ivana aminado, naging sugar mommy na, milyon ang kinikita sa vlog

0 23

Advertisers

Ni Archie Liao

AYON kay Ivana Alawi, ang kapatid niyang si Mona ang nag-engganyo sa kanyang subukan ang vlogging.

So far wala raw naman siyang naging pagsisisi dahil hindi niya inakalaing magiging matagumpay siya sa larangang pinasok.



Inamin din niya na milyones ang kinikita niya bilang content creator na halos malaki pa sa ganansya niya sa showbiz.

Consistent din daw ang views nito na hindi rin bumababa ng millions.

Sa naturang panayam, hindi rin niya ikinaila na importante ang lalake sa kanyang buhay.

Ito raw ang nagsisilbing inspirasyon at nagpapasaya sa kanya.

Gayunpaman, never daw niyang sinubukang manligaw o gumawa ng first move sa isang lalake.



Bet din daw niya sa lalake ang naglalaan ng time at acts of service para sa kanya.

Hirit pa niya, gusto rin daw niyang manligaw muna ang lalake sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang nanay.

Red flag daw naman niyang maituturing sa menchu ang pagiging babaero at mayabang.

Hindi naman niya ikinaila na nakatanggap na siya ng indecent proposals at niligawan ng pulitiko.

Aminado rin niyang may mga nagpaparamdam o nagdi-DM sa kanya pero pinipili lang daw niya ang sinasagot lalo na kung bet niya.

Inamin din niyang naging sugar mommy na siya dahil gumastos siya sa mga lalake.

Gayunpaman, hindi raw naman niya naging dyowa ang mga ito.

Karakter daw kasi niya ang pagiging mapagbigay noon sa mga lalake.

Ibinunyag din niya na may isang aktor na pinormahan siya na humingi ng watch at branded items sa kanya.

Ang siste, pati raw pang-hotel at pa-dinner ay inuurot pa siyang siya ang magbayad.

Sobra rin daw siyang naimbiyerna dito dahil minsan ay hinatian o inagawan pa siya nito ng hotdog na kinakain.

Rason daw kasi nito ay wala itong dagdag na budget.

Iyon daw ang pagkakataong sumama ang kanyang loob dahil paborito niya ang kumain ng ‘hotdog.’

Medyo natigil daw naman ang kabaliwan niya sa lalake dahil na-realize niya na nasasayang ang kanyang ganda at bata pa siya para maging azucarera de mama.