Advertisers
PALIHIM na inutusan ni Along Malapitan, kasalukuyang alkalde ng Caloocan City, ang mga kasapakat na opisyales ng barangay na huwag papasukin ang taga-kampanya ni Sonny Trillanes, ang katunggali, sa kanilang barangay kung wala permit na tanging opisina lang niya ang nag-iisyu. Wala itong batayan sa umiiral na election law sa bansa.
Gawa-gawa lang ito ni Along ang pagbabawal na pikit-matang ipinapatupad ng mga barangay opisyales. Dahil walang batayan, walang nagawa ang mga opisyales ng barangay kapag iginiit ng kampo ni Trillanes ang batas. Takot ang mga opisyales ng barangay na balikan sila ni Trillanes at iharap sila sa sakdal.
Simple lang ang katwiran: Kung naipakulong ni Trillanes si Gongdi sa piitan ng International Criminal Court (ICC) sa Olandiya, walang dahilan upang hindi maipakukulong si Along kapag nilalabag niya ang batas. Sa maikli, duwag si Along at hindi niya naipilit ang baluktot na katwiran at unawa sa election law. Kumurap ng titigan ni Trillanes.
Maraming isyu ang iniharap ni Sonny Trillanes kay Along Malapitan sa tunggalian sa pagka-alkalde ng Caloocan City. Kasama ang pagiging magkaibigan nil Along at Polong Duterte, ang anak ni Gongdi na inakusahan bilang isa sa mga lider ng kartel sa droga ni Gongdi. Tapunan ng bawal ng gamot ang siyudad, batay sa mga ulat. Maraming user at pusher ng droga ang pinatay noong kasagsagan ng madugo pero palpak giyera kontra droga ni Gongdi.
Inakusahan ni Trillanes si Along bilang isang dating adik. Sinipa rin si Along sa mga paaralan na pinasukan dahil sa pagiging maligalig. Hindi sinasagot ni Along ang mga akusasyon. Bagkus, tuwirang umasa siya sa estratehiya kung saan namimigay siya ng ayuda sa bawat botante. Abot sa P3,000 hanggang P5,000 ang ibinibigay ni Along. Sinabi ni Trillanes na hindi niya kayang tapatan ang ganyang pera. Wala siyang salapi dahil propesor lang siya sa UP at Ateneo.
***
KUMALAT ang balita na bumuhos si Polong Duterte ng malaking “tulong” sa kandidatura ni Along. Galit si Polong kay Sonny Trillanes dahil ang huli ang nagbisto sa pamilya Duterte bilang pinakamalaking druglord sa bansa. Hindi totoo ang giyera kontra droga ni Gongdi dahil ang grupo umano ni Polong ang nagpasok ng ilegal na droga sa bansa.
Hindi namin alam kung ilang milyon piso ang ibinuhos ni Polong kay Along. Dating umanong adik si Along kaya nagkakasundo sila ni Polong. Kasalukuyang umiikot si Polong at kasama ang pagpunta niya sa The Hague upang makausap ang nakabilanggong ama na si Gongdi. Hindi pa natin alam kung ano ang bilin kahit sinasabi ni Sara na suportahan umano ang kandidatura ni Ariel Querubin at Gringo Honasan.
Hindi tumining ang kandidatura ng dalawa para senador. Hindi sila tinatanggap ng publiko at matumal ang suporta sa kanila. Si Gringo ang nagsimula ng kampanya upang makalikom ng lagda upang puwersahin ang ICC na ibalik si Gongdi sa bansa. Hindi ito nagklik.
***
Email:bootsfra@gmail.com