Advertisers

Advertisers

MALAWAKANG DAYAAN PINANGANGAMBAHAN!

0 4

Advertisers

Mahigpit ang paalala ng mga Duterte supporters sa posibleng mangyaring MALAWAKANG dayaan ngayong May 12,2025 midterm elections.

Ito ang walang takot na pahayag ni Atty.Glen Chong sa pag- iikot nito sa buong bansa kasabay ng pangangampanya nito sa binansagang Duterte- 10 senatorial line up.

Hiling din ng pro- Duterte groups na gawing “block- voting” ang paghalal sa mga kandidato ng pamilya Duterte sa layong mahirapan itong mamanipula at madaya.



Ang Duterte-10 senatorial ticket ay sinasabing + 2 + 2 na ngayon makaraang magkahiwalay na mag-endorso ng kani- kanilang karagdagang kandidato si Cong.Polong Duterte at VP Sara Duterte kamakailan.

Para kay Cong.Paolo Duterte, idinagdag umano ng PDP Laban at ni dating Pangulong Digong bilang adopted candidates sina Gregorio “Gringo” Honasan at ang kapwa nito sundalo na si Col. Ariel Querubin na sinusuportahan din ng mga kapwa nila alumni ng Philippine Military Academy (PMA).

Sa panig naman ni VP Sara Duterte,inendorso naman nito sina reelectionist Senator Imee Marcos at neophyte Camille Villar na karnal namang kaalyado ng pamilya Duterte.

Ang pag- adopt sa apat na kandidatong ito ay masasabing isang clever move at strategy ng grupong Duterte to add up to their political strength dahil sa clout ng mga kandidatong idinagdag sa line up ng Duterte-10.

Hindi mapapasubalian ang logistic clout and power ni Sen.Imee Marcos at ng pamilya Villar sa matinding labang kinakaharap ng mga Duterte ngayong halalan kung saan malayo at nakakulong pa sa The Hague,Netherlands si PRRD na kinikilang haligi at patriarch ng pamilya Duterte.



Samantala,lantaran ding nagbabala ang pamunuan ng PMA Alumni Association Incorporated sa Comelec at sa administrasyon Marcos Jr. na panatilihing malinis,maayos at parehas ang halalan 2025 para di na makadagdag pa sa pagkakahati- hati ng sambayanang Pilipino at sa sangkaterbang problemang kinakaharap ng bansa.

Ito ay makaraang isaboses ng marami sa mga OFWs ang pagkondena sa lapses at mali-maling resulta umano ng isinagawang online voting sa ibayong dagat.

Kinuwestiyon din ng ilang sektor ang absentee voting na posibleng mabahiran din ng anomalya at dayaan.

Hinihikayat rin ng maraming grupo partikular na ang mga malalaking negosyante sa bansa na manatiling non partisan at neutral ang AFP at kapulisan sa gagawing proseso ng halalan kung saan binalaan ng pamunuan ng PMAAI sina AFP chief of staff General Romeo Brawner at PNP chief,General Rommel Marbil na manatiling tapat sa Konstitusyon at sa kanilang tungkulin sa pagse- secure ng isasagawang eleksyon.

Ano mang bahid ng dayaan ay tiyak umanong magdudulot ng malaking kaguluhan at ibayong discord.

Ayon naman sa ating mga impormante, magiging malaking instrumento para sa mga kandidato ng mga Duterte ang hakbang ni VP Sara sa pagdalo sa mga caucuses at campaign sorties ng mga lokal na kandidato sa buong bansa at sa key cities sa Metro Manila at Kabisayaan dahil na rin sa malaking impluwensiya ng bise presidente sa mga botanteng Pilipino.

Hindi man aminin ng Malacanang,isang malaking latay at dagok sa administration candidates ang aktibong presensiya ni VP Duterte sa campaign sorties ng mga kandidatong kaalyado ng mga Duterte.

Ilan sa mga probinsiyang posibleng maging sona- libre ay ang Pampanga ng mga Pineda,Bulacan,Pangasinan, Rizal,Cavite at Quezon.

Region 1 at 2 na sinasabing di na gaanong solido gaya ng dati para sa mga Marcoses dahil sa pag- anib ni Sen.Imee Marcos,mga anak nito at ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Duterte opposition.

Malaking kawalan din sa mga pro Marcos senatorial candidates ang pagkakasuspindi ni Cebu Governor Gwen Garcia ng Ombudsman.

Isa pang problema ng mga senatorial candidates ni Marcos Jr. ay ang inaasahang big-time at all out support ng Iglesia Ni Cristo (INC) na kilala sa block- voting practice.

Kung may pangamba nga ng MALAWAKANG pandaraya ang desperadong rehimeng Marcos Jr.,mukhang sa karayom na walang butas ito magdaraan.

Mukhang mawawalan ng silbi ang AICS,TUPAD,AKAP at iba pang ayudang planong ipamudmod at ipambili ng boto.

TILA nag- iba na ang mind- set ng mga naalimpungatang mga botante.

Nauyam na ang mga ito sa pagpapaikot at pambubudol sa kanila!

TILA ang lahat ay nagising na sa katotohanan!

Saan na ngayon pupulutin ang mga buwaya at sakim sa kuwarta at kapangyarihan?

Your answers are as good as mine!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com