Advertisers
KITA mo nga naman ang buhay e kaliit-liit na bayan e punong-ouno pala ng kababalaghan!
Ito palang bayan ng Lian sa lalawigan ng Batangas e may loan transaction sa Development Bank of the Philippines (DBP) ng halagang P215 million sa diskarte ni re-electionist Mayor Joseph V. Paji on behalf of Lian town. Whatttt?
Batay sa impormasyong nakuha ng CONGRESS FILES ang loan amount na P215,254 e gagamitin sa pagkuha ng 1.5 hectare property sa Barangay Bagong Pook at construction ng three-storey municipal building with accompanying land development.
Aba’y bakit ga ganire?
Dapat imbestigahan ito ng Commission on Election (Comelec) dahil malala ang ganitong sistema at nagiging pattern of pre-election financial maneuvers ng local government.
Ang sabi nga ni former Presidential Communications Office Assistant Secretary Zaldy de Layola, hindi na isolated transaction ang anomalous loan na pinasok ni Mayor Paji dahil may lumabas na report sa Manila Bulletin noong last year na may mga LGUs na umutang na bago pa man ang 2025 elections.
Sa data ng Department of Finance’s Bureau of Local Government Finance, natuklasan na may LGU loan applications mula January hanggang September 2024 tumaas ng 29% katumbas ng tumataginting na P87.9 billion, compare sa P68.1 billion ng kaparehong buwan ng 2023.
“The P215 million loan agreement signed between the municipality of Lion ang DBP within the election period on March 14, 2025 puts all local candidates opposing the team of Mayor Page in a serious disadvantage despite the latter’s good intention, if there are any,” ang sabi ni De Loyola.
“The fact that this agreement was executed during the election period when the incumbent mayor is a candidate for re-election renders the transaction highly anomalous,” dagdag pa ni De Loyola na tumatakbo sa pagka-aklade sa bayan ng Lian handog ang TAMANG SISTEMA!
“Entering into financial obligations that may unduly influence the electorate or give them undue advantage within the election period may constitute an election offense under the Omnibus Election code and relevant comely resolutions,” sabi pa ni De Loyola.
“These restrictions exists to prevent undue influence on the voters through the disbursement of public funds and to uphold the integrity of the electoral process,” dagdag pa niya.
Sa liham ni De Layola sa Comelec dated April 5, 2025, hiniling nito na poll body ang appropriate action upang matiyak na maitataguyod ang mga batas sa eleksyon sa ating bansa at magamit sa tama ang public funds alinsunod sa prinsipyo ng transparency at accountability, at kapakanan ng publiko hindi ng pampulitika na kapakinabangan.
“The residents of Lion, Batangas and all citizens in the country deserve assurance that their resources are being directed toward authentic development, not as instruments of electoral manipulations,” sabi ni De Layola.
Mga taga-Lian, Batangas, ‘wag po kayong mahiyang itanong kay Mayor Peji kung saan napunta ang P215million na inutang niya sa DBP. Karapatan nyo pong malaman kung saan ginamit ang salapi na dapat ay sa kapakinabangan ng mamamayan ng Lian.
Pero kung ako sa inyo, ala e, hindi na ako magdalawang-isip pa, doon ako sa TAMANG SISTEMA!
***
Nasa una ang pagsisisi, whaaaaaa!
NAKAKAPANINDIG balahibo kapag narinig mo ang edited video sa panawagan ni Vice President Sara Duterte sa taumbayan na lumabas sa social media sa nakaraang Semana Santa
At dahil nga edited video, may parte na maganda ang kanyang sinasabi na magkaisa ang bansa at tigilan na ang mga awayan. Biglang sisingit ang video clip na galit na galit “PI inyong lahat!”
Yung bahagi ng magandang sinabi, OK, totoong vlog nya at maganda sa pandinig. Pero doon sa isiningit na video clip na nagmumura, wow na wow!
Sa kabuuan ng edited video, iba ang sinasabi ng puso pero iba ang buga ng bunganga!
Ito namang si Mr. IPEktibo at Senator Bato dela Rosa imbes na plataporma de gobyerno ang ilatag sa taumbayan, e puro “bring him home” ang pinangangalandakan.
Walang malinaw na direksyon kung sambayanang Filipino ang prayoridad o yun isang tao na nakakulong sa ibayong-dagat.
Ito na ba ang klase ng politiko ngayon?
Hindi na maalis ang batuhan ng intriga, kaliwa’t kanan!
Marami naman sa mga botante ang hindi pa rin nagigising sa katotohanan na madaling madala sa matatamis na salita ng mga politiko.
Gamit na gamit ng ilang kandidato sa pagka-senador ang sitwasyon ng mga mahihirap sa lipunan. Dadanin sa pasayaw-sayaw, pakanta-kanta at iba pang kaplastikang estilo.
Sa 12 kandidato ng administrasyon, ang Alyansa ng bagong Pilpinas, malakas ang partido mahina ang mga kandidato!
Sa 10 kandidato naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang Partido ng Demokratikong Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ilan sa kanila ang posibleng makapasok sa “magic 12.” Yung iba, ewan ko lang.
‘Wag naman sanang mangyari na maging tanghalan ng mga BUGOK ang Senate of the Philippines. Sa House of Representatives hindi halata kasi mahigit 300 sila, hehehe.
Kunsabagay, nasa una ang pagsisisi, whaaasaa!