Advertisers

Advertisers

TRABAHO Partylist, nanawagan ng pambansang pagpapatupad ng Heat Stroke Break Policy matapos ang pagkamatay ng ilang traffic enforcers sa Iloilo

0 9

Advertisers

Nanawagan ang #106 TRABAHO Partylist para madiinan ang pagpapatupad ng “heat stroke break policy” mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa, kasunod ng pagkamatay ng dalawang traffic enforcers sa Iloilo City na pinaniniwalaang dulot ng matinding init ng panahon.

Ayon sa ulat ng Transportation and Traffic Management Office ng Iloilo City, ang dalawang enforcer ay may iniindang karamdaman at kasalukuyang umiinom ng gamot na maaaring nakadagdag sa kanilang pagpanaw habang kasagsagan ng heat wave.

Dahil sa pangyayaring ito, iginiit ni TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu ang kahalagahan ng agarang aksyon upang maprotektahan ang mga manggagawa laban sa panganib ng matinding init.



“Ang malungkot na pagkasawi ng dalawang lingkod-bayan sa Iloilo City ay nagpapakita ng panganib ng matinding init sa ating mga manggagawa,” pahayag ni Atty. Espiritu.

“Mariin naming isinusulong ang agarang at malawakang pagpapatupad ng heat stroke break policy upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga outdoor workers.”

Batay sa alituntunin ng DOLE, ang heat stroke break policy ay nag-uutos sa mga employer na magbigay ng sapat na pahinga, inumin, at lilim para sa mga manggagawang exposed sa matataas na temperatura, kabilang na rito ang mga nasa sektor ng konstruksyon, agrikultura, at trapiko.

Itinataguyod ng TRABAHO Partylist ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng mga panukalang naglalayong mapabuti ang kondisyon sa trabaho at palakasin ang mga programang pangkaligtasan sa lugar ng trabaho.

“Habang patuloy na lumalala ang epekto ng climate change, kailangang maging maagap tayo sa pag-aangkop ng mga patakaran sa paggawa upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng ating lakas-paggawa,” dagdag ni Atty. Espiritu.



Para naman sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, naunang bumati na ang TRABAHO Partylist upang bigyang-pugay ang mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.

“Mabuhay ang manggagawang Pilipino!”, pagbati nila.