Advertisers
SAMPUNG araw nalang at maghahalal uli tayo ng mga opisyal na mamumuno sa ating bayan/lungsod at lalawigan para sa tatlong taon na termino, at 12 senador para sa 6 taon na termino sa Senado.
Ang 45 days na kampanya ay hanggang Mayo 10 nalang. Bawal na sa Mayo 11 dahil ito’y araw ng gapangan. Ehek!
Ang Mayo 12 ang petsa para palitan ang mga nahalal noong mga nakaraang eleksyon na hindi manlang naramdaman sa loob ng kanilang termino, at nangangako uli ngayon na magsilbi kuno sa bayan at gusto kuno ng pagbabago. Animal!
Oo! ang Mayo 12 ang petsa para maghalal ng mga bagong mukha para sa bagong pag-asa. Kung nabigo tayo sa mga pangako ng mga naihalal natin noong 2019 at 2022, subukan naman natin ang mga bago na may mga inilalatag na programa para sa ating mga maralita, sa ating bayan at lalawigan.
Sa eleksyong ito, sana ibasura na ang praktis na kuwarta-kuwara nalang. Dahil ang pagboto dahil sa kuwarta ay talo ang banwa. Hindi mababago ng P1,000 ang ating pamumuhay sa sunod na tatlong taon. Dahil ang kandidato na gunagastos ng milyones, asahang pagkaupo nito ay wala nang ibang gagawin kundi ang gumawa ng kuwarta, ang mabawi ang ginastos sa elskyon. Kaya siguradong ang kanilang mga proyekto ay hilaw at ang social services ay wali!
Samantalang kapag nagboto tayo ng kandidatong hindi masyadong gumastos ng malaki, asahang magseserbisyo ito ng tama, gagawa ng mga proyektong akma sa ating pamumuhay sa araw araw, at makapag-aangat sa standard ng ating banwa. Peks man!
Again and again… magboto na ng tama sa Mayo 12. Ang bayan naman, mga pare’t mare. God bless sa ating lahat…
***
Sa ginanap na press briefing ng Malacañang nitong Miyerkules, Abril 30, tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na uungkatin ng administrasyon ang isyu ukol sa “very poor service” ng PrimeWater ng pagmamay-ari ng Villar family sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.
Ang pahayag ng Malacañang ay kasunod ng pagkansela ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa joint venture agreement na pinasok ng mga water district sa lalawigan na malubhang naapektuhan ng palpak na serbisyo ng PrimeWater Infrastructure Corp., partikular sa mga lugar ng Calumpit, Malolos City, Marilao, at San Jose del Monte City.
Iginiit ni Castro na nararapat lang na makuha ng mga tao ang sapat na supply at malinis na tubig dahil ito ay kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat tahanan.
“Unang-una po, sinabi po natin na ang kakulangan sa serbisyo ay walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr…. Mag-uutos po ang Pangulo para maimbestigahan po ito,” diin ni Castro.
Tsk tsk tsk… malaking epekto ito sa kandidatura s apagka-senador ni Camille Villar.
Si Camille ay kapatid ng incumbent senator, Mark Villar, mga anak ni dating Senate President Manny at outgoing Senator Cynthia Villar.