Advertisers

Inimbitahang sumama sa isang rally sa Paco, Manila City noong Martes, inendorso ng mga kilalang lider na sina dating Manila Mayor at Congressman Lito Atienza, dating Congressman Amado Bagatsing, at kumakandidato uling Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, si reelectionist Senator Christopher “Bong” Go.
Ang pagtitipon ay pagpapakita ng pagkakaisa at “shared commitment” sa pagpapatuloy ng serbisyo publiko matapos ideklara ng mga respetadong lider ang kanilang buong suporta para kay Senator Bong Go.
“Gaya ng sinabi ko sa inyo, darating si Senator Bong Go. Bakit ako nagpumilit magbigay ng pakilala? Sapagkat gusto ko sabihin sa inyo na ang taong ito ay tunay na Pilipino. Magaling ang ugali nito. Kapag binoto ninyo, hindi mawawala sa puso niya ang pagpapasalamat sa inyo… Itong taong ito, walang ingay, trabaho lang nang trabaho, gawa lang nang gawa, pero hindi nagbabago ang ugali. Kung ano man ang kanyang matutulong, handa siyang tumulong,” ang sabi ni Atienza.
“At huwag niyo kakalimutan si (Mr. Malasakit). Alam niyo sa lahat ng senador, bilib ako dito. Inalagaan ang kalusugan (ng tao). Kalusugan ay pamilya, kapag pamilya ay malusog, happy at produktibo,” banggit naman ni Bagatsing.
Sa kanyang talumpati, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Go sa mga taga-Maynila at sa mga lokal na pinuno na mainit na tumanggap sa kanya.
Binigyang-pugay niya ang kanilang mga legasiya sa serbisyo publiko at ang kanilang walang hanggang pagmamahal sa lungsod at sa mga mamamayan nito.
“Masaya po akong makasama ngayon ang mga pamilyang tinitingala at nirerespeto ko, tulad nina Cong. Atienza at Cong. Bagatsing. Kaya po ako’y nakikiusap rin sa inyo—kung mahal niyo ako, mahal niyo rin (sila),” anang senador.
Kinilala at pinasalamatan din ni Go sina Yorme Isko Moreno at vice mayoral aspirant Chi Atienza, na umakyat din sa entablado upang himukin ang mga tao na suportahan ang senador at ang kanyang patuloy na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Nagbahagi si Yorme Isko ng mga patotoo kung paano tumutugon si Go sa mga agarang pangangailangan ng Manileño, lalo na sa panahon ng krisis.
“Ako ang testigong buhay na maraming natulungan ang mga Malasakit Center. Sa Maynila, sa Tondo Medical, Jose Reyes, San Lazaro, PGH, may mga Malasakit Center na itinatag siya na pinakinabangan ng mga taga-Maynila. Kaya pwede ba na tulungan natin si Senator Bong Go (sa darating na halalan)?” ang himok ni Moreno sa mga Manileño.
Tinapos ni Go ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng pagtiyak sa mga Manileño na patuloy niyang ipaglalaban ang kanilang kapakanan.
“Basta para sa tao, tuloy lang po tayo. Magseserbisyo po ako sa abot ng aking makakaya,” ani Go.
“Dapat talaga nating tingnan ito kasi nagbabago ang panahon. Pagkatapos ng COVID, may mga online work na. Dapat i-adapt din natin ang mga patakaran sa bagong setup ng mga manggagawa ngayon,” aniya.